TSL 7: Chase

68.8K 1.9K 81
                                    

TSK! Ang tagal naman ni Pangga! Nilalamok na ako dito sa labas ng men's room. Kanina pa siya sa loob pero hindi pa rin lumalabas. Ano pa bang ginagawa niya?

"Pangga! Matagal pa ka pa ba diyan?" Kinatok ko ang pinto pero walang sumasagot. Pambihira naman oh! Bakit ba kasi magkahiwalay ang CR ng mga lalaki sa mga babae? Sabagay, magkaiba nga pala ang style nila sa pag-iihi. Pero sana naglagay din sila ng CR for couple!

Napabuntong-hininga na lamang ako at sumandal sa pinto ngunit muntik na akong mabuwal nang bigla itong bumukas.

"Ayy! Tipaklong!"

"What the--!"

Mabuti na lang at naagapan akong saluhin ni Pangga.

"What are you doing here? Didn't I tell you to wait for me outside? Tss." Aniya.

"Sa labas naman ako ng pinto naghintay ah. Hindi naman kita pinasok sa loob," tugon ko at hinigpitan ang pagkuyapit sa kanyang leeg.

"Namimihasa ka babae. Bitaw nga!" Napasimangot ako nang bigla niya akong binitawan.Sa susunod tuturuan ko na talagaga siya kung paano maging gentleman.

Nakasunod lang ako sa kanya na pumunta ng counter para umorder.

"What do you want to eat?" Pagkuwa'y tanong niya na hindi tumitingin sa'kin.

"Ginisang sardinas."

"What?!"

"Huwag ka nga sumigaw! Ang lapit-lapit lang natin sa isa't isa naninigaw ka. Gusto ko ng chicken na thigh part, spaghetti, large fries, tsaka isang sundae."

"Ang liit-liit mo ganun kadami ang order mo?" Reklamo niya.

"Ang yaman-yaman mo pero ang kuripot mo! Konti nga lang 'yan. Ang sabi kasi nila masarap kumain pag libre kaya lubos-lubosin ko na."

"Tsk!" Napailing siya at sinunod ang order ko. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng lalaking 'to. Ang akala ko dadalhin niya ako sa isang fancy restaurant para sa first date namin. 'Yon pala dito lang niya ako dadalhin sa fastfood.

Pero...

Sabagay... Mas mainam nga naman dito. 'Yung tipong mararanasan mong pumila sa counter para makaorder ng gusto mong kainin. Yung walang waiter o waitress na nag-aabot sa'yo ng menu para umorder. Yung kahit maingay sa paligid nai-enjoy mo ang pagkain mo kasi paborito mo ang kinakain mo. Yung malaya ka at hindi mo kailangan maging conscious sa pagkain mo kasi lahat may kanya-kanyang mundo. Higit sa lahat, kasama mo ang taong mahal mo.

Simple pero masaya. Nakikipagsabayan ka sa mga taong mababa din ang kaligayahan. Yung tipong hindi mo kailangan na magpademure at kalkulahin ang galaw at paraan ng pagkain mo.

I still remember those days na dinala ako ni Ate Nisyel sa fastfood. Siya ang dahilan kung bakit ako naaadik sa fries.

"Pft!" Napatingin ako kay Pangga at biglang napatigil sa pagkain.

"Anong nakakatawa ha?!"

"Pft! Nothing. You look like an idiot." Naningkit ang mga mata ko. Kung hindi ko lang talaga mahal ang lalaking 'to, hinding-hindi ako magtitiis na kumain sa fastfood na 'to habang pinagtitinginan ng iba.

Alam ko namang pasimple lang na natatawa ang ibang mga customers sa paligid eh. Sino ba naman ang hindi matatawa sa nangyari? Naglive show kami kanina sa harap ng fastfood.

"Isa pang tawa mo, ipapalunok ko 'tong fried chicken sa'yo!" banta ko at ipinagpatuloy ang pagkain. Pagkatapos kasi ng nangyari kanina ay bigla na lang bumangon si Pangga at hinatak ako papasok sa fastfood na parang walang nangyari.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon