TSL 3: Dare

93.6K 2.4K 219
                                    

◈GOLD◈

"WHAT?!!!" Halos lumabas lahat ng hidden treasure sa tenga ko sa pagtaas ng boses ng bestfriend ko. Ikinuwento ko kasi sa kanya lahat-lahat ng mga nangyari mula nang makilala ko si papa Bryce.

"Ang OA mo naman, Lucicar!" nakasimangot kong sagot. Kahit kailan talaga hindi na nagbabago ang bunganga niyang parang bazooka.

"Arrgh! Kainis ka! Huwag mo nga akong tawaging Lucicar! It's Lucy. L-U-C-Y!!!"

"Whatever! Lucicar naman talaga ang pangalan mo eh! Magpapa-sossy ka pa! Itsura nito!" Umismid ako at humalikipkip.

"Huwag mong ibahin ang usapan, Ginto! Seriously?! Si Bryce Maxell Villaceran?"

"The one and only!"

"You've got to be kidding me!" Pumalatak siya at namewang sa aking harapan. Problema nito?

"Oh? Eh ano ngayon? Akala ko ba suportado mo ang lovelife ko?" Tinaasan ko siya ng kilay pero lalong umasim ang kanyang mukha.

"Oo nga, gusto na kitang maka-graduate sa samahan ng mga NBSB, pero bakit kailangan mo pang gawin 'yon? You are clearly invading his privacy. God! Paano nalang pag nalaman niyang nag-install ka ng hidden camera sa condo niya? Gusto mo bang makasuhan ng trespassing?"

"Eh di kakasuhan ko rin siya ng theft. Ninakaw niya puso ko eh," pabalang kong sagot.

"Funny, Reign! Funny..."

"Alam mo, hindi ko alam kung paano kita naging bestfriend eh. Isa kang dakilang kontrabida sa lovelife ko!" I scoffed.

"Kailan pa naging kontrabida and taong concerned sa'yo, Ginto? Bahala ka nga, pinapaalalahanan lang kita. Mag-ingat ka. Baka sa huli uuwi kang talunan." Aniya.

"Hinding-hindi mangyayari 'yon kasi sisiguraduhin kong mahuhulog sa alindog ko si papa Bryce."

"Kadiri ka! May papa Bryce ka pang nalalaman. Para kang bakla 'te!" Tsk! Wala na talagang pag-asa 'tong bestfriend ko. Tatanda at mamamatay siyang isinumpa sa ampalaya. Pag mangyari 'yon, ipapalibing ko siya na walang kabaong para tumubo siya at magkaroon ng baging.

"Pambihira ka naman Besh. Umuwi ka lang ng probinsya niyo, lalo kang naging bitter. Siguro nakita mo 'don ang ex mong pinaglihi sa unggoy noh?" Tiningnan niya ako ng masama. Tubong probinsya ang bestfriend ko, particularly, sa Negros. Nagkakilala kami sa school nang mapadpad siya doon. Scholar kasi siya.

"Huwag mo nga mabanggit-banggit ang gorilla na 'yon!" Singhal niya. Hanggang ngayon halatang hindi pa siya nakaka-get over sa pangit niyang ex. Tsk!

"Alam mo Besh, uso move on ngayon. Ikaw din. Baka tumanda kang hindi natitikman ang pinakamasarap na biyaya--- aww!"

Hayy! Bitter na nga ang sadista pa! Sapol ang mukha ko ng throw pillow eh!

"Ayan ang napala mo. Pagka ako nakahanap ng ubod ng gwapo at mayamang papa, who you ka! Tse!"

"Speaking of-- Besh ano nga ulit sa bisaya ang love?" tanong ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. May naiisip na kasi ang mahiwagang utak ko eh.

"Ewan ko sa'yo.. Ano na naman 'yang naiisip mo?" aniya at sumimangot.

"Basta, sagutin mo na lang ang tanong ko. Kung hindi, ibibigay ko nalang kay Lady M ang adobong niluto ni Mommy para sa'yo-"

"Oo na, oo na. Ang kulit mo!"

Hihihi. Pagdating talaga sa adobo tiklop 'tong ampalaya kong bestfriend eh.

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon