TSL 19: Done

56.5K 1.7K 103
                                    

"WALANG tayo. Alam mo 'yan. You just assumed ."

Parang sirang plaka na nagpa ulit-ulit sa utak ko ang sinabi niya. Lahat ng pag-asang kinakapitan ko para magkaayos kami ay biglang nawala. Iyong tipong nasa finish line na sana ako pero bigla akong nadapa at nasugatan.

"Pangga, m-mahal mo 'ko. Sinabi mo 'yon noon. Galit ka lang sa'kin kaya mo 'yan nasabi, 'di ba?" Sinubukan kong hawakan ang kanyang pisngi ngunit iwinaksi niya ang aking kamay.

"Tama na. Tama na, Reign. H-hindi kita mahal. I was just confused. I thought I love you, but I don't. Maybe I was just attracted to you."

Malakas na hikbi ang kumawala sa aking bibig. Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon mula sa kanya. Napakasakit. Parang pinapatay ako nang paulit-ulit sa kanyang bawat salita.

"H-hindi totoo 'yan! M-mahal mo 'ko! Please, Pangga. Bawiin mo ang sinabi mo. Natatabunan ka lang ng galit mo." Umiwas lamang siya ng tingin na lalong ikinakirot ng puso ko.

"Wake up, Gold Reign. Huwag kang magpadala sa damdamin mo. Masyadong mabilis ang lahat. I'm sorry if I've given you false hopes. But I think I really didn't love you from the very start."

Parang bombang sumabog sa dibdib ko ang kanyang sinabi. Para akong sinasakal at unti-unting nang nawawalan ng hininga. I blinked twice to make sure this is not a nightmare but it isn't. Wala akong nakikitang pagmamahal sa kanyang mga mata.

"P-Pangga... H-hindi ko kaya. Please naman, oh. Tama na. Magbati na tayo. M-mahal na mahal kita."

Mabilis ko siyang niyakap mula sa likod. Hinding-hindi ko kakayanin na mawala siya sa'kin. My life would never be the same without him.

"Stop it, Reign. Umuwi ka na." May bahid ng inis ang kanyang boses. Hindi ako nakinig sa kanya, sa halip ay hinigpitan ko pa ang pagyakap sa kanya.

"P-pangga... P-pagsubok lang 'to sa'tin. H-huwag ka namang bibitaw nang ganun kadali k-kasi h-hindi ko kaya. At kahit kailan hinding-hindi ko kakayanin. I'm very sorry, hindi ko 'yon sinasadya lahat. Naiintindihan ko naman kung bakit ganun siya kagalit siya sa'kin.

"ENOUGH!" Napapiksi ako sa pagtaas ng kanyang boses kaya lumuwag ang pagkakayakap ko sa kanya.

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo, ha? Tama na, Reign! Tama na! The damage has been done! Naiintindihan mo? You cannot ever fix a broken glass."

Tuluyan akong napabitaw sa kanyang mga binti. Napayuko na lamang ako dahil hindi ko kayang salubungin ang kanyang tingin. "P-pangga..."

"You already broke my trust, Reign. I cannot love you anymore. I cannot love with a broken trust. Paulit-ulit lang tayo dito. Grow up, Reign. Grow up. Atleast learn to accept and face the consequences of your own doings. You cannot just ask for someone's love. You cannot," he said before leaving me dumfounded. Hindi matawaran ang sakit na nararamdaman ko. Hindi na ako nag-abala pang punasan ang mga luha ko.

Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa kong padalos-dalos na desisyon. It even hurts knowing that my regrets cannot take him back anymore.

Wala sa sariling nag-abang ako ng sasakyan pauwi. Maybe we call it quits now. Kahit wala namang naging kami. Masyado akong umasa na may nararamdaman din siya sa'kin. Minsan pala kasumpa-sumpa rin ang magmahal, dahil kahit anong gawin mo masasaktan at masasaktan ka pa rin.

"A-ayos lang kayo diyan, Ma'am?" tanong ng driver. Marahil ay nagtataka kung bakit ako umiiyak sa backseat.

"O-opo. P-pasensya na. Paandarin n'yo na lang po ang radyo n'yo para hindi n'yo maririnig." Ngumiti at tumango naman siya sa salamin. Buti pa si kuya tinatanong kung okay ako.

"S-sige po. Kung may pinagdadaanan kayo, Ma'am, huwag kayong mag-alala, lilipas din 'yan." Napangiti ako nang mapait. Hearing that from a stranger, I felt a little sympathy.

When there was me and you ng High school musical.

"S-salamat, Kuya."

Pinaandar nito ang radyo at kung sinusuwerte nga naman.

"Nananadya yata 'yang radyo mo, Kuya." Napatawa naman siya at umiling-iling habang nagda-drive.

Totoo pala ang sinasabing nilang pag heartbroken ka lahat ng kantang naririnig mo nakaka-relate ka. Tulad ngayon, pakiramdamam ko pinapatamaan ako ng radyo.

Nabulag ako sa sarili kong ilusyon na mahal niya ako. Maybe fairytales aren't true. Si Ate Nisyel lang yata may ganun. Ang swerte-swerte niya kay kuya. Buti pa siya sobrang mahal na mahal ng taong mahal niya.

Umasa ako. Umasa akong mahal niya ako. Umasa akong ipaglalaban niya ako tulad ng ginawa kong paglalaban sa pagmamahal ko sa kanya pero hindi. He cannot love me. He cannot love someone like me. Maybe all along ako lang ang nagmamahal..

Kung gaano siya kabilis dumating sa buhay ko gano'n din siya kabilis na nawala. Maybe some things are not meant the way I wanted them to be. Hindi porke't mahal mo mahal ka rin niya.

Kinagat ko ang labi ko at hinayaang dumaloy ang aking mga luha. Napatingin ako sa labas ng windshield. Lalong kumikirot ang aking dibdib habang tinatanaw ko ang bawat poste ng ilaw na nilalagpasan namin. Hindi ko maiwasang isipin na sana naging ilaw na lang ako. Para mabigyan ko ng liwanag ang bawat dumadaan.

Siguro kahit gaano pa kasakit kailangan kong tanggapin ang bunga ng kasalanan ko. Maybe this is my consequence. Isang kabanata lamang ang lahat ng iyon ng aking buhay at kailangan nang isara. Pero hindi. Maliwanag pa sa sinag ng buwan ang kanyang sinabi na walang kami. I learned my lessons now...

Huwag na huwag isugal ang puso kung hindi ka sigurado.

-GREATFAIRY

The Scorned LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon