Chapter 1

16.8K 272 8
                                    

Hinahabol nila ako. Masyado silang madami at madami na rin dugong umaagos sakin. Marami na akong napatay sa kanila pero hindi sila nababawasan.

Nang makalayo ako sa kanila ay huminto ako at sinubukan ulit na magteleport pero hindi talaga gumagana dahil hinang hina na ako.

Tumakbo ulit ako hanggang sa aking invisible house na natatakpan ng lupa. Oo, sa ilalim ang bahay ko.

Hindi ako makagamit ng healing power dahil masyadong madami ang lakas na nabawas sakin kaya ginagamot ko ang mga sugat ko sa mano mano na paraan.

Kailangan kong lumipat ng papasukan bukas.

By the way, My name is Cara Kent Heather. 18 years old at wala na akong pamilya. Namatay sila noong nagkaroon ng War between Darkhail at Light Enchantress.

Nagwagi ang Darkhail at lahat ng Light Enchantress ay naubos na, maliban sa akin. Ako nalang ang natitira at gusto nila akong patayin para mapunta sa kanila ang mga kapangyarihan ko. Madami akong kapangyarihan at ipapaliwanag ko mamaya.

Sa ngayon, palaki nang palaki ang Darkhail na nakatira sa dulong bahagi ng kagubatan. Darkhail, walang naidudulot na maganda at ang gusto ay sakupin ang buong Chiandria. (Ang lugar namin) Light Enchantress ang pumoproktekta dito ngunit wala na sila. Gagawa ako ng paraan mapatay lang sila, lalo na si Galactus ang nag utos kanina sa mga humahabol sa akin. Ang pinaka pinuno nilang lahat.

Kailangan ko munang magtago ngayon. Masyado silang madami at hindi ko sila kaya lalo na ngayon.

*after 2 days*

Tumingin ako sa salamin. Magaling na mga sugat ko at konti nalang ang bahid ng sugat.

Ngayon ang unang araw ng aking klase.

"Stanluxy Academy"

Binasa ko ang papel na hawak ko. Malayo layo ito sa bahay ko. Hindi kakayanin ng teleport. Nag impake ako ng mga gamit at kakailanganin. Sumakay ako sa motor ko at pinaandar ito.

Tatlong oras ang biniyahe ko bago ako nakarating sa academy. Nilibot ko ang tingin ko. Nakakatakot ang itsura ng buong lugar na ito. Pwede na.

Pumasok na ako sa assigned cabin ko. Kumbaga parang dorm type siya pero sa isang room ay dalawang tao lang ang pwedeng mag occupy. Pwede na hindi masyadong maliit at hindi din ganon kalaki.

May malaking villa sa tapat ng mga cabin namin na nakahilera.

Nag aayos ako ng gamit nang may tumabi sakin.

"Hi! I'm Krystal. You are?" Sabi ng kulot na mahabang buhok na babae

Kung di lang ako nagtatago nasapak ko na 'to.

"Cara." Tipid kong sagot.

I guess I need someone who can accompany me here.

"Bago ka dito? Ngayon lang kita nakita eh. By the way, anong rank ka?"

Huh?

"Omg baguhan ka nga pala. I-eexplain ko sa'yo. There's a rank here to determine how weak or strong you are. Five or Lowest Rank, Menelaus. Dyan yung may ability ng pagiging healer or regenerating healing factor. Sila yung pinakamababa at common here sa academy. 4th, Tydeus. Invisibility Common din and sila yung ginagamit para maghanap ng kalaban. Hindi naman lahat actually. 3rd, Amycus. Cloaking. Invisible pero never kang madedetect. Enhanced senses and Clairaudience. That's we're I belong. I can sense everything. 2nd, Phoinix. Throwing fire ang energy blast. They also do telekinesis. 1st, Achilles. They do the 3rd. 2nd. And Aura manipulation. Aura Choking. Sila yung pinakamatataas. Pero iisang student lang ang may kaya nyan. Si King." Mahabang sabi ni Krystal.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now