Chapter 50

4.2K 66 7
                                    

KANE POV

Humihingal akong napatingin sa mga napatumba ko. Naubos ko sila pero halos kalahati ng lakas ko ay naubos na din.

Napaupo ako sa gilid at saglit na sumandal.

"Ssssss natalo mo ang battalion ko. Magaling ang iyong pinakita ssssss."

Napatayo ako at naglakad sa gitna para hanapin ang pinanggalingan ng boses. Biglang nagkaroon ng malalaking butas ang bawat dingding.

Ano to?

"Nasan ka? Magpakita ka!" Sigaw ko.

"Ssss as you wish."

Narinig ko na parang may yumanig sa bandang gitna. Napatingin ako sa butas na yon.

Napaatras ako nang makita kung ano ang iniluwa nun.

Isang higanteng ahas na nagsasalita.

Tinitigan ko ang kabuuan niya. May korona ito at dilaw ang mga mata.

Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya nang magsimula na siyang gumalaw paikot.

"Ikaw si King Devora?" Tanong ko.

Patuloy niya akong inikutan.

"Sssss ako nga. Magaling kang makipaglaban ssssss. Pero wala kang tiyansa na matalo ako. May i-aalok ako kung gusto mo pang mabuhay ssssss." King Devora.

Anong sinasabi niya?

Nagsalita ulit siya.

"Gagawin kitang aking kanang kamay sssss. Ano sa tingin mo? Maganda ang alok ko hindi ba? Ssssss."

Nginisian ko siya.

"Inaasahan mo bang tatanggapin ko ang alok mo? Hindi mo ako mauuto." Sabi ko.

Akala niya ba ay hindi ko napapansin na balak niya akong ipitin? Kanina pa niya ako iniikutan at nakapalibot na sa akin ang buong katawan niya. Konting konti nalang at madidikit na ako doon.

"Kung ganoon. Humanda ka nang mamatay!"

Nagsimula siyang umatake.

Gumawa ako ng fire portal papunta sa isa sa mga butas na nasa kwarto. Lumusot ako doon.

"Ssssss sssssss."

F*ck. Nasa likod ko agad siya.

Pagkaharap ko ay ngumanga siya.

Those big fangs are dangerous and poisonous. Pati dila niya ay naglalabas ng green liquid. Naresearch ko na kapag nadaplisan ka kahit maliit na portion nun ay maaari kang maparalisa.

"Sssss."

Dumura siya ng lason. Nakailag ako pero tuloy tuloy lang siya sa pag atake. Gumawa ako ng flame shield at tumakbo.

Natanaw ko muli ang liwanag at nakalabas ako sa butas.

Ano tong napuntahan ko? Ang sangsang at lansa ng amoy. Puro bahid pa ng dugo.

"Sssssss."

Andyan nanaman siya.

Pinaulanan ko siya ng fire plates pero mukhang wala man lang epekto yon sa kanya.

"Yan lang ba ang kaya mo?" Aniya.

Nagtangka nanaman siyang atakehin ako.

Tumalon ako paatras.

"Exploding shrukin fireball!" Sigaw ko.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now