Chapter 5

6.2K 143 0
                                    

CARA POV

At dahil Saturday na umuwi muna ako para manguha ng gamit.

Tanong pa ng tanong si Kane kung pwede daw syang sumama. Nagdahila nalang ako ng kung ano. Ayun naiwan sya sa Academy. Mas mabuti na din yon.

Habang nagdadrive ako ay may lumitaw na isang itim na kotse sa harapan ko. Bumaba si...Galactus.

Bumaba ako sa motor ko at hinarap siya at aamba na sana...

"Easy lang my dear Cara. Nandito lang ako para sabihing, goodluck sa training mo. At sana, mapatay mo ang dapat nilang patayin. Hahahahaha." Aniya sabay alis.

At naguluhan ako sa sinabi niya. Patayin? Sila ang dapat patayin diba?

Sumakay na ulit ako at pumunta sa bahay ko. Binalewala ko muna ang sinabi ni Galactus. Bukas ng hapon ako babalik sa academy.

Kumain muna ako at inayos ang dadalhin.

Madami akong Bo shuriken dito. Kumuha din akong katana. Laser. Telescope. At kung ano ano pa.

Training na so dapat pangrank 4 ang gagawin ko. Ay hindi. Magpapakilala na akong Icarus para mapaghandaan ang laban.

Pagkatapos ng ginagawa ko ay natulog na ako.

Mabilis lumipas ang oras at eto andito na ako sa academy. Training na bukas. Excited na ako.

"Caraaa. Tara sa ground stage. May iaannounce para bukas." Sabi ni Krystal sabay hatak sakin.

Ang hilig manghatak ng mga 'to.

Andito na kami sa ground stage at kasama namin ang 8 royalties o barkada. Yun na daw ang itawag namin sa kanila. Mamaya aamin na rin ako sakanila na ako ay isang at nag iisang Icarus.

Umupo na kami at nang-aasar nanaman 'tong si Kane.

Inaamoy buhok ko.

"Hoy Kane maubos yung buhok ah?" Stella

"Hahaha pare anong lasa?" Singit naman ni AJ.

Nang aasar nanaman sila.

Natigil lang kami sa asaran nang may narinig kaming magsalita.

"Hello students. Alam niyo naman na siguro na training na bukas at hindi ito basta basta. Hindi na din ako magpapaligoy ligoy pa. Isa lang ang mission nyo.....

PATAYIN ANG ICARUS."

Tahimik ang buong ground stage.

Nagulat at natahimik din ako. Ba-bakit? Bakit nila ako papatayin?

"Ayon sa mga agent, Ang Icarus ay kampon ng Darkhail at nag iisa siya ngayon. Kami ang bahala sa Darkhail at kayo naman ang bahala kay Icarus."

Biglang may nagtanong.

"Ahm paano po namin malalaman kung si Icarus ang nakaharap samin? Ano po itsura niya?" Tanong nung lalaki.

"May tattoo siya sa likod. Isang Icarus"

at pinakita ang litrato. (Nasa baba yung picture.)

)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now