Chapter 35

3.7K 87 4
                                    

<-- EVO.

CARA POV

Nakakapagtaka. Hindi na bumalik sila Galactus dito. Hindi sa gusto ko silang bumalik pero alam nilang buhay ako pero hindi sila nagpapakita dito?

Ibig sabihin, gusto niyang kami naman ang pumunta doon? Kakausapin ko si Director pati na ang Black Magic.

Papunta ako ng headquarters nang maabutan ko silang palabas. Pati sila Ji.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Training nila. Tayo magtetrain." Landia.

Pinaliwanag naman niya agad na bubunot daw ang bawat isa na may mga pangalan namin. At kung sino ang makakabunot samin ay ang makakatapat namin. In short, maglalaban.

Andito na lahat kami sa training room.

Lahat ay bumunot isa isa. Pati sila Kane.

Madaming nachachallenge pero mas madaming natatakot. Lalo na sakin.

Psh. Hindi ko naman sila sasaktan ng husto.

Nagline kaming pito. Kasali si Evans.

"Tumapat kayo sa mga nabunot nyo." Sabi ni Evo.

Nagsitapatan naman sila. Since ako naman daw si Icarus. Ayaw nilang pahirapan ang mga estudyante kaya lima lang yung sakin.

Unang una, si Stella. Next, yung nerd nung nakaraan. Si Farrah. Pang-apat si AJ. At panglast, si Kane.

"Ikaw nasa unahan. Mauna ka." Sabi ko sakanya.

Halata namang natatakot siya. Psh. Physical training lang to. Pasalamat sila hindi power.

Unang una nga pala ako sa training, Ako. Next si Landia. Evo. Aira. Ji. Walter at si Evans.

Pumunta na kami sa gitna.

Hindi ko naman inaasahan na aatake siya agad.

Buti naramdaman ko. Nahawakan ko yung kamay niyang papunta sakin at binali ko ito.

"Aaaacccccckk" Stella.

"Stella!" Kio

"Oh my god." Pia.

Kumakawala naman siya pero hindi nya kaya.

"Tuloy pa?" Tanong ko.

"O-oo."

Hindi pa siya nakakabawi ay binaldag ko na siya sa semento.

"Aaaackkkkk." Stella.

Lumapit lahat ng royalties sa sakanya at binuhat siya ni Kio at naupo ulit. Hindi naman daw sya masyadong nasaktan.

Tinaasan ko lang sila ng kilay.

"Next." Yung nerd na.

Hindi ko siya masyadong pinahirapan. Pero sinugod siya sa hospital. Napalakas ata yung suntok ko sa panga niya.

Si Farrah na ang next.

"A-ano..." Farrah.

Bigla siyang lumuhod at nagsalita.

"Please ayoko makipaglaban sayo.." Farrah.

Nginisian ko siya na lalong nagpatakot sakanya.

Inalok ko ang kamay ko para maitayo siya.

Tinanggap naman niya.

Stupid.

Agad ko siyang binuhat at binalibag sa pader.

"Sinong may sabing gusto kong makipaglaban sayo?!" Sigaw ko.

Nahimatay naman siya. Agad siyang pinalibutan ng mga alipores nya.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now