Chapter 6

5.5K 140 0
                                    

CARA POV

1AM gumising ako at gumayak. Sigurado akong wala ng gising ngayon since wala akong nasesense. Lumabas ako at tumakbo ng mabilis. Wala pang ilang segundo nasa dulo na ako ng academy.

Nagsimula ako sa physical. Kunwari ay may kalaban ako pero nasa imagination ko lang.

Pumikit ako at inisip ang kalaban.

Start. Sipa kanan kaliwa. Suntok. Yuko. Tadyak. Ilag. Lahat lahat.

Inabot din ako ng limang minuto.

Susubukan ko namang gumawa ng electro blazing fire plate. Ginawa ko ito at tinira tira ang puno. Sunog at tumba lahat. Titira pa sana ako ng pero may narinig akong alarm.

*ATTENTION TO ALL STUDENTS GO TO THE FIELD NOW!*

At nagsilabasan ang students liblib to pero malakas pakiramdam ko.

Inayos ko ang gamit ko at pumunta ng mabilis dun. Ano kayang nangyare?

Sakto lamang ang pagdating ko.

"Caraaa! San kaba nagsusuot? Wala ka sa kwarto!" Krystal. Kasama nya ang royalties.

Lumapit si Kane

"San ka galing?" Tanong ni Kane.

"A-ah nagpahangin lang. N-nalungkot kasi ako sa sinabi ni Director Choi na hindi nako makakapagtraining." Palusot ko. Dumadami na kasinungalingan mo Cara. Hay.

"Para sayo naman yun. Bakit may bag ka pa?" Tanong ni Kane.

Patay. Ano bang sasabihin ko?

"Trip ko lang." Palusot ko ulit at tumalikod sakanya.

"Nagulat ba kayo sa alarm students? Kanina lang ay may nadetect na malakas na ability. Alam naming nagpapahinga na kayo kaya imposibleng sa inyo manggaling yon. Malamang ay isa sa Darkhail yun. O maaaring ang Icarus yun." Sabi ni Miss Gem.

Shit. Ganun ba kalakas yung ginawa ko kanina? Nagbulungan ang lahat.

"Reminder to at warning. So please go back now to your cabins and be alert."

Nagsialisan na ang mga students at umalis na din kami.

"Guys dun na kayo matulog sa Villa. Please nag aalala ako sa inyo." Sabi ni Stella

"Talaga?" Krystal

Hindi sana ako papayag pero pinilit naman ako ni Kane.

Pagpasok namin ay nag usap usap muna.

"Pia tabi kayo nila Gianna at Krystal. Dun ka sa room ko Cara" Stella.

"Okay" at susunod na sana ng hatakin ako ni Kane.

"No. She'll sleep in my room." Aniya

"What!?" Sagot ko

"No!" Stella

"Yes!" Krystal, Pia, Gianna, AJ, Brent, Ace at Kio

Whats wrong with them!? Arggh.

Wala na akong nagawa at pumunta na kami sa kwarto niya. Infairness malaki naman.

"Bakit ba dito pako matutulog?" Tanong ko

"Para mabantayan kita. We don't know if that f*cking Icarus is here in the academy. I'll sleep in the couch." At dun nga sya humiga sa couch sa tabi ng bintana.

Nahiga naman ko sa bed nya. Ang laki nito. Ayaw nya ba dito?

"Kane malaki naman tong kama dito kana lang din?" Tanong ko.

Stanluxy AcademyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin