Chapter 15

4.3K 113 1
                                    

CARA POV

7pm na ibig sabihin next activity na. Last day na namin at aalis na kami bukas.

Magkakasama kami ngayon at hinihintay si Director. Tumabi naman ako kay Kane.

"Saan ka nagpunta kanina?" Tanong ko.

"Pake mo." Sabay tayo at umalis.

Sungit. Meron ba yun? Psh. Di ko nalang pinansin.

Dumating na rin si Director.

"Okay for our last activity. Group yourselves into two. Opposite sex."

Since wala si Kane dito. Si Ji yung kapartner ko.

Si Stella kay Kio. Ace and Krystal. Pia and Brent. Gianna and AJ. At si Kane, ayun kasama si Farrah. Psh magsama sila.

"Bakit nakasimangot ka? Ayaw moko partner no?" Ji.

Nakasimangot ako?

"Hindi no. Psh." At inirapan sya. Nang aasar nanaman to. Alam nya kasi yung samin ni Kane.

"Hindi nyo na kailangan kumuha ng gamit at power training tayo ngayon. Ang gagawin nyo lang ay pasukin ang bandang dulo ng gubat. Warning ulit, may di kanais nais na kalaban kaya ibigay nyo ang makakaya nyo. Start now." Director.

Kanya kanya kaming pasok sa direksyon namin. Iba ibang daan kasi to pero iisa lang ang lalabasan.

"Cara gagamitin mo power mo?" Tanong ni Ji.

"Depende kung di mo kaya."" Sagot ko sakanya. Parang kinakabahan kasi tong ugok nato.

"K-kaya ko." Sabi nya.

Sinungaling.

"Okay." Nagkibit balikat nalang ako at naglakad na.

Nakaramdam ako ng tao sa likod ko at sumipa agad ako patalikod. Bingo! Bulagta sya ngayon.

"Wow master galing mo!" Ji.

"Makiramdam ka." Sagot ko at naglakad na kami ulit.

"Ouch!" Ji. At nakita kong napatibong ang paa nya. May nakapalupot na tinik tinik at kapag natusok sayo ay pwede kang mamatay. Dang! At natusok nga sya. Psh!

Nahulog sya at nahimatay. Sht.

Gumawa ako ng dalawang boomerang at sinunod sunod kong patamaan ito. Gumawa din ako ng sword na gawa sa apoy at hinati hati lahat.

Pinuntahan ko naman si Ji na walang malay.

Hinawakan ko ang noo niya at ginamot agad sya.

"M-master." At tumayo bigla.

"Psh!" Tatayo na rin sana ako kaso natumba ako.

"Master! Hindi basta basta yung lason na napunta sakin kaya madaming lakas ang naubos mo sa pagheal sakin." sabi nya

Oo nga. Bakit di ko naisip yun? Nakakamatay din yung ginawa kong pagheal sakanya.

Tumayo ako at sinubukang maglakad. Nakakalakad pa naman ako kaso mabagal. Okay na to kesa sa hindi.

Naglakad pa kami at ilang minuto na wala parin kaming nakikitang labasan at walang umaatake samin. Biglang may mga lalaking nakaitim at hindi nakikita ang mukha ang pumalibot samin ni Ji. Mga nasa sampu sila.

Gagamit na sana ako ng power pero hindi ko magawa. Ginagamitan nila kami ng aura manipulation.

Ginusto nyo to huh? Pagbibigyan ko kayo.

Tinadyakan agad ni Ji yung isa at ngayon ay pinagtutulungan na sya ng tatlo.

Sinuntok ko itong nasa harap ko at sinandal ko sa puno. Pinagsusuntok ko sya ng may humawak sa leeg ko. Agad kong kinuha yung kamay nya at pinilipit at binalibag papunta dun sa papasugod sakin.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now