Chapter 40

3.5K 87 3
                                    

STELLA POV

"Palabas lang yung kanina?" Tanong ko sa boys.

"Oo hahahaha." Ji.

At pinaghahampas namin sila. Umiyak pa si Cara tapos pakulo lang pala nilang lahat yon?

"Ano na kayang nangyari sa dalawa?" Pia

"Oo nga." Krystal

"Hayaan nyo na yung dalawang yun. Tara nalang gumala. May malapit na park dito." Sabi ni Evans.

"Ganitong oras?" Tanong ko.

Tumango siya at pumayag naman kami.

CARA POV

Magkahawak kamay kami ni Kane at pabalik na sa hotel.

"Hindi na ba babalik si Galactus?" biglang tanong niya.

"Hindi pwedeng hindi siya bumalik. Gagawa at gagawa siya ng paraan. Basta kahit anong mangyare, diyan kalang sa tabi ko ha?" Sabi ko sakanya.

Ngumiti siya at pinisil yung kamay ko.

"Hindi mo na kailangang sabihin yan. I'm always here for you."

Nag-init naman yung mukha ko. Yung simpleng words niya na yun, kinikilig na ako.

Pagkapasok namin sa hotel, agad nila kaming sinalubong sa lobby.

"Buti nandito na kayo." Ace.

Tiningnan ko sila at parang balisa silang lahat.

"I-Icarus...si Landia at Lian, nawawala!" Aira.

Nanlaki yung mata ko.

"Paanong nawala sila? At saan?" Tanong ko.

Hindi makapag-explain si Aira kaya si Evans ang nagsalita.

"Nasa park kami nang biglang dumilim ang paligid. Wala kaming makita. Nung nawala yung dilim, wala na rin sila Landia at Lian."

May biglang kabog akong naramdaman sa dibdib ko. Kapag ako naghinala, hindi pwedeng hindi totoo.

Sinasabi ko na nga ba, isa kang kalaban.

Pumikit ako at nagfocus kung nasaan sila.

Sa lumang cathedral. Sa dulo ng lugar na to. Agad sana akong lalabas ng hinawakan ako ni Ace.

"Sama kami." Aniya at yung mukha niya ay parang sinasabing, laban ng lahat to.

Tumango ako.

"Ihanda nyo yung sasakyan" Sumakay kami at umalis.

Tinuro ko kay Evo yung direksyon.

"Pakibilisan!" Sigaw ko kay Evo.

At binilisan naman niya.

Hinawakan naman ni Kane yung kamay ko.

"Sssshhh. Everything's gonna be alright." Pagpapakalma niya sakin.

Ngayon pa ako kakalma? Hindi ko sinabi sakanila pero maaaring mamatay si Landia kahit malate kami ng isang minuto.

Kalahati na ng katawan niya ang nalason ngayon, kapag hindi pa kami umabot. Aish!

Isa lang ang gusto kong mapatay ngayon...

Lian...

LANDIA POV

Pinilit kong buksan ang mga mata ko.

"N-nasan ako?" Pagmulat ko tumambad ang isang troops sakin. Mga darkhail sila.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now