Chapter 46

1.4K 36 0
                                    

KANE POV

SKULL

"Didiretso na ako sa underground. Ikaw na ang bahala kay King Devora." Sabi ni Evans.

Siya ang magpapalaya sa mga nakakulong sa baba. Tumango ako at naghiwalay na kami ng landas.

Sa loob ng sampung araw ay napag aralan ko ng mabuti ang tungkol sa kapangyarihan ni King Devora. Pumasok ako sa parang isang kuweba. Naramdaman ko agad ang init. May mga ahas din na nakaukit sa mga dingding.

"Bagong bisita. Ikinagagalak ko ang iyong pagdating sa aming palasyo."

Boses lang ang naririnig ko at wala akong makita. Hinarang ko ang kamay ko sa aking mukha dahil sa shuriken na muntik nang tumama sa akin.

"Woah." Boses niya.

Sa wakas ay nagpakita na siya. Mukhang normal lang na lalaki. Marunong din pala siya ng invisibility. May ahas din na nakapalupot sa kanya at may pakpak ito.

"Hindi na kayo nadala at sumugod pa talaga kayo dito?" Aniya.

Siya ang lumason kay Kent.

"Ikaw si King Devora?" Tanong ko.

Ngumisi lamang siya.

"Anong karapatan mo para makilala ang isang hari dito? Talunin mo muna ako—-

Hindi ko na siya pinatapos at agad umatake. Nailagan niya ang binato kong fire plate pero hindi niya na nailagan ang pangalawa. Nadaplisan siya nito sa pisngi.

"Villia attack him." Anito sa ahas na biglang lumipad.

Nagbuga ito ng itim na usok. Agad akong gumawa ng shield. Hindi ko alam ang kayang gawin ng usok na iyon. Mabuti nalang ay may shield ako.

Biglang tumagos ang usok na itim sa shield hanggang sa maaamoy ko na ito. Walang epekto ang shield!

Pinikit ko ang mga mata ko at agad akong bumuo ng apoy sa mga kamay ko.

Nang matamaan ng apoy ay naglaho nalang bigla ang usok. Agad akong umatake sa lalaki. Pinaulanan ko siya ng fire plates hanggang sa nasugatan ko na ang katawan niya. Habang iniinda niya ang sakit ay sinunod ko ang ahas na nagbuga ng usok.

Bago pa ako makaatake ay pumalupot na siya sa leeg ko.

"Acckkkk!"

Hindi ako makahinga.

Gumawa ako ng apoy at pinaso ko siya. Kumawala siya na parang bulate na nabudbudan ng asin. Hindi ko siya pinakawalan at nanatiling nasa aking kamay. Patuloy ko lamang siyang pinaso hanggang sa malapnos ang balat niya.

Mapapapatay ko na sana ang ahas kung di lang umatake ulit ang lalaki. Nabitawan ko ito at hinarap siya.

Gumawa ako ng flame shield at pumikit. Bubuo ako ng pyrokinesis kung saan mababalot ako ng apoy hanggang sa hindi niya na ako mahawakan.

It will take five seconds.

5

4

3

2

1

Stanluxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon