Chapter 48

1.3K 30 0
                                    

EVANS POV

SKULL

Napaluhod ako sa narinig ko.

"A-Anong sinabi mo?" Ulit kong tanong.

Bakas ang awa sa mukha ni Carlo.

"P-Pinatay sila ni Galactus Evans. Wala kaming nagawa para pigilan sila. Sorry Evans. Sorry." Carlo.

Tumulo bigla ang luha ko pero nangingibabaw sa akin ang galit.

"B-Bakit? Bakit niya yon nagawa?!"

"Nang malaman nila na desididong patayin ni Galactus ang nakababata mong kapatid ay nagtangka silang kalabanin ang darkhail. Pero sa huli ay natalo sila. Walang puso silang pinaslang ni Galactus sa harap namin."

Nanginig ako sa narinig ko. Mahigpit kong hinawakan ang katana ko.

"Papatayin ko si Galactus." Bulong ko.

Hindi pwedeng malaman ni Cara ang lahat ng ito. Kilala ko siya. Alam kong masisira ang plano namin kapag pinangunahan siya ng emosyon niya. Pinaubaya ko sa kanila ang mga darkhail dito. Pupunta ako sa academy.

Hinding hindi kita mapapatawad Galactus. Hintayin mo ako.

CARA POV

Nakatingin ako sa tatlong pintuan.

Alin ba dito ang daan?

Kanina pa kami naghiwa-hiwalay at kanina pa ako naglalakad pero ito ang tumambad sa akin. Saan dito ang patungo para makita si King Balessi?

Naging alisto ako nang may lumabas na itim na usok sa harap ko at biglang naging matandang lalaki na maliit. Nakalutang siya sa harap ko.

Sino to?

"Icarus. Nagkita din tayong dalawa." Aniya.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala?" Tanong ko.

"Ako si Isagon. Ang kanang kamay ni King Balessi. Kanina ka pa niya hinihintay. Bakit hindi ka pa pumasok?"

"Nasaan siya?!" Tanong ko.

Gusto ko na siyang tapusin pero mukhang pinaghandaan din nila ang laban na to.

"Kahit anong pinto ang piliin mo ay isa lang ang patutunguhan. Kay King Balessi. Iba iba lang ang mga nakaharang sayo pero tiyak na hindi ka na makakalabas ng buhay." Sabi niya at tumawa pa.

Dami niyang satsat. Hindi na ako nag aksaya ng panahon at binuksan ang gitnang pinto.

Makipot ang daanan at may mga malalaking sapot. Tinitigan ko ang mga naglalakihang bilog na napapalibutan ng spider web. Kasing laki ng tao ang mga yon. Dahan dahan akong naglakad at nakiramdam. Anong nag aabang sa akin dito?

Kinapa ko ang shuriken ko at nang masiguradong nasa tamang lugar yon ay nilabas ko ang katana ko.

Nagmasid ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Ilang minuto pa ay may natanaw na kong anino. Hindi lang basta anino. Isanag higanteng anino. Huminto ako at inabangan siyang makitang lumabas sa liwanag.

Tuluyan na siyang nagpakita at napanganga ako sa itsura niya.

Ito ay isang higanteng gagamba na may pinakamalakas na venom sa mundo namin. Ang hexana.

Nagulat ako dahil ang alam ko ay nag extinct na ito. May natitira pa palang isa? Magaling talaga si Galactus. Pati mga inosente ay naidadamay. Wala na akong magagawa kundi patayin to.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now