Chapter 12

4.7K 121 7
                                    

KANE POV

Psh. Di parin ako pinapansin ni Kent.

"Tarang libutin yung gubat?" Aya ni Ace.

Parang tanga, ano namang malilibot sa gubat. Tss.

"Tayo lang? Ayain natin sila Stella" Kio.

"Natutulog sila. Malakas pa kasi yung HANGOVER nila." Pinaparinig pa talaga sakin ni Brent yun.

Uminom si Kent? Dahil sakin? Bakit?

Imposibleng nagseselos yun...pero nagseselos kaya siya?

"Edi tayo nalang." Ace

Ts.

"Di ako sasama." At pumasok sa tent.

CARA POV

Kakagising ko palang. 4 pm na. Tulog parin sila.

Lumabas na ako. Ay wrong move. Nakaupo si Kane sa tapat ng tent nila.

Papasok na sana ako ng bigla siyang tumayo tapos hinatak ako papasok ng tent nila at sinarado niya.

Omo! Anong gagawin niya?!

"Hoy anong gagawin mo!?" Sigaw ko.

"Wag ka maingay." at umupo siya.

Tinitigan niya ako. Ano to?

"Bakit iniiwasan moko?" Tanong niya.

Ay yun lang pala.

"Ah eh iniiwasan ba kita? Alis nako." Aalis na sana ako nang hinawakan niya yung kamay ko.

"Stay and answer my questions."

Questions? Madami pa?

"Hindi kita iniiwasan no" sagot ko sakanya.

Nakatingin lang siya.

"BAKIT NAMAN KITA IIWASAN DIBA? SUMAMA KALANG NAMAN DUN SA MALANDI NA YUN KAHAPON. HINDI AKO GALIT HA. IN FACT TUWANG TUWA AKO." sagot ko.

Ano ba pinagsasabi ko? Kusang lumabas sa bibig ko yun.

Ngumingiti naman si Kane.

"Ang selosa mo naman pala." Sabay ngiti.

Selosa? Ako?

"AKO NAGSESELOS!? HINDI AKO NAGSESELOS NO! BAKIT AKO MAGSESELOS!?" sigaw ko sakanya.

"Eh kasi naman wala lang naman yun. Kaya ako umalis kasi tumawag si papa. Sinama ko lang si Sheena para mailayo sa inyo. Niligaw nga nila Ace yun sa mall eh." Pag-eexplain niya.

Anong nakakatawa?!

"Alis nako" sabi ko.

Hinatak nanaman ako.

"Dito ka nga sa tabi ko." Aya niya pa.

"Asa ka----" hinatak ako sa tabi niya.

Napaupo pako sa lap niya pero umalis agad ako at dito ko bumagsak sa tabi niya.

Ang init. Feeling ko ang pula pula ko na.

"Oh ano nanaman?" Hindi ko siya tinitingnan pero nakikita sa gilid ng mata ko na nakatingin siya tapos nakangiti.

Parang unggoy lang.

"Wala. Okay na tayo?" hinawakan niya yung kamay ko tapos sumandal nanaman sa balikat ko.

"Tinanggap mo pa yung binigay nung babae na cupcakes." sumbong ko pa. Parang hindi ako to. May sumasanib ba sakin?

"Ah yun ba? Pagseselosin sana ulit kita kaso dumating si Sheena."

Stanluxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon