Chapter 19

4.1K 102 2
                                    

CARA POV

Uminom muna kami ng tubig dito sa baba at tumaas na rin. Andun na yung mga boys kausap si Kio. Gising na rin sila Stella.

"San kayo galing?" Tanong ni Stella.

"Hahaha natalo sila sa laro. Binigyan namin sila ng parusa." Gianna.

Si Pia pawis na pawis pa rin.

"Round 2! Kailangan naming makabawi." Sabi ni Ji.

"Sige. Sali kayo boys!!!" Krystal.

Sumali naman sila AJ. Pwera kay Kane. KJ talaga.

"Cara aalis na ako. Nagtext si Walter." paalam ni Evo.

"Ah sige hatid na kita."

"Wag na. Stella mauna na ako. Guys una na ako." Paalam nya.

"Sige ingat ha?" Stella.

"Thankyou Evo sa time!" Pia.

"Babyeeee mwaaaa" Gianna.

"Ingaaaaaat! Hihihi" Krystal.

"Labyuuuuu" Ji. Baliw talaga to.

Mga siraulo din tong babae. If I know pinagseselos lang nila mga lalaki nila at effective nga. Naglaro na sila ng Jengga.

Si Kane nakaupo sa couch at tahimik.

Tinabihan ko nga.

"Ahm Kamusta?" Tanong ko.

Tiningnan niya lang ako at di pinansin.

"Huyyyy" sinundot sundot ko pa yung tagiliran nya. Ayaw parin.

Aalis na sana ako sa tabi nya ng magsalita sya.

"Saan ka galing?" Tanong niyaz

Napalunok ako. Masyado kasi siyang seryoso.

"Diba nga may inutos si Director." Sabi ko at humarap ulit sakanya.

"Ah okay." Sabi nya.

Bakit ba nag iinarte to ng ganito? Isip isip Cara.

"May nagawa ba kong mali?" Tanong ko.

"Wala."

"Then why?"

"What?"

"Bakit? Bakit di mo ko pinapansin masyado lalo na yung sa camp."

Alam na ba niyang ako si Icarus!?

"Trip ko lang. Tama naman sinabi ni Ji diba? You're not mine." Aniya at lumabas.

Ah alam kona!

Yung sinabi ni Ji. Panira talaga tong lalaki na to. Nagselos kaya si Kane? Kinilig naman ako.

Lumabas ako at pinuntahan sya sa kwarto. Ito lang naman pupuntahan nya eh.

Bukas naman yung pinto at nakaupo sya sa couch. Alam na alam niyang susunod ako.

"Kane..." Tawag ko.

Pabebe naman kasi.

Tumingin sya sakin. Dumiretso naman ako sa tabi nya at naupo.

"Huy." Sabi ko.

Di parin sya namamansin.

"Kane naman eh! Pag di mo pa ako pinansin ngayon hindi na kita talaga papansinin kahit kailan!" Sigaw ko.

Hindi pa rin.

"Edi okay!" Tatayo na sana ako ng hatakin nya ako.

Napaupo tuloy ako sa lap nya.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now