Chapter 8

5.2K 137 1
                                    

CARA POV

Andito kaming lahat sa Villa. Ginagamot ni Stella si Evo dahil grabe ang ginawa ni Kane.

"Hindi ka man lang ba mag eexplain!?" Sigaw ni Kane.

Wtf. Ako pa kailangan mag explain!

"Bakit ako mag eexplain!? Wala naman kaming ginagawang masama!"

"WALA!? NAG UUSAP KAYONG DALAWA. DALAWA LANG KAYO SA NAPAKADILIM NA LUGAR PA! KUNG DI PAKO DUMATING BAKA KUNG ANO PA NANGYARE SAYOOOO!" sigaw nya

"EWAN KO SA UTAK MO! KUNG ANO ANO INIISIP MO! NAG UUSAP LANG KAMI PERIOD! AT DIBA WALA KANG PAKE SAKEN!? SIGURO KAYA KA INIIWAN NG MGA NAGIGING GIRLFRIEND MO DAHIL DYAN SA UGALI MO!!!" sigaw ko sakanya.

Natahimik sya at parang may namuong luha sa mga mata niya.

Lahat sila ay natahimik.

"Siguro nga...." sabi nya sabay akyat.

Shit. Di mo mapigilan bibig mo Cara.

"Ahmm Cara...can we talk?" Gianna.

At sumunod ako sa flower garden.

"Ikaw ang first love ni Kane diba nung bata pa kayo. After ilang years nakahanap si Kane ng babaeng katulad mo. Kaugali mo. Nainlove sya sa babae ganun din yung babae. Naging sila ng 2 years. 15 years old naging sila so after 2 years naghiwalay sila. 17 years old sila nun. May umatake sa girlfriend nya ng dahil kay Kane. Napuruhan yung girlfriend nya at kailangang ipunta sa ibang lugar. Hanggang ngayon sinisisi parin ni Kane sarili nya. Nagpapasalamat nga kami at dumating ka sa amin. Nagkabuhay ulit si Kane." Mahabang paliwanag ni Stella.

"Anong pangalan nung babae?" Curious kong tanong.

"Lian. Balita ko nga ay babalik na sila dito. Nagamot na si Lian at balak niyang balikan si Kane. And sorry Cara ha? But I think Kane still loves her."

Bakit ako nasasaktan!? Hindi dapat diba? Bakit parang maiiyak ako ngayon.

Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko.

"Cara feeling ko lang naman na mahal pa ni Kane yun pero sa nakikita namin. Masaya si Kane sayo." Sabi nya.

Hindi porket masaya siya sakin ay mahal niya ako. Anong gagawin ko? Umakyat agad ako sa taas.

"Kane." *tok *tok*

Hindi naman nakalock at pumasok nako.

Nakahiga sya at walang pantaas. Nakaboxer lang at nakapaharap sakin.

"A-ah bukas nalang tayo mag usap" Pakiramdam ko namumula nako dito.

"Ngayon na. Wala akong time bukas." Walang gana nyang sinabi.

Sinarado ko ang pinto at tumayo sa harap nya.

"K-kane sorry kanina." Yun lang nasabi ko.

"Okay." Sabi nya. Akala ko okay na pero hindi parin sya okay.

Lumapit ako at hinawakan ko yung mukha nya.

"Sorry. Nag usap lang kami ni Evo. Mabait naman sya. Wag ka na mag alala." Mahina kong sabi.

Hinawakan nya yung kamay ko na nakahawak sa mukha nya.

"Tss. Wag ka sumasama sa iba. Diba sabi ko liligawan kita." Biglang sabi nya.

Lumayo naman ako.

"Ah eh..sige bahala ka." Nasabi ko nalang.

"Punta na kaming cabin." Sabi ko.

Pabukas na sana ako ng pinto ng hinarap nya ako sakanya.

"Kiss ko?" Bwisit na Kane to. Kinakabahan ako.

Stanluxy AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora