Chapter 16

4.1K 103 0
                                    

CARA POV

Ang daming tanong sa isip ko.

Paano nya nalaman?

Bakit pinadali nya pa yung pagpasok namin sa gubat?

Bakit sya nagpapanggap na hindi nya alam?

Kailan pa nya nalaman?

Arrrrghhh! Hindi naman kalaban si Director Choi diba? Hay! Bahala na nga.

12 hours ang papunta sa Mt. Makaraya. At 9 hours na bali simula nung umalis kami. 3 hours nalang makakarating na kami sa destinasyon namin.

STELLA POV

"Baby andito lang ako okay? Just say something if you need anything." Sabi ko kay Kio at umupo sa tabi niya.

Hindi siya sumagot ako at natulog.

Napakainit nya at hindi siya nagsasalita. Balot na balot na sya pero nilalamig pa sya. Pinainom sya ng pampababa ng lagnat ng nurse dito sa academy.

6 am palang bumalik na kami sa villa kahit may mga naiwan pang iba sa camp.

Nagpahinga muna yung iba since wala kaming tulog dahil nag aalala kami kay Kio at yung boys uminom pa dahil inaya ni Kane.

Ayun borlogs pa sila. At ako matutulog din muna.

KANE POV

Sht. Hangover.

Dali dali akong naligo at nagpalit ng damit. Hindi ako kinakausap ni Director. Ayaw niyang sabihin kung bakit wala sila Cara. Kagabi ko pa sya kinukulit. Tsss.

Pumunta ako sa mga agents para makakuha ng information.

CARA POV

Time check: 9:05 AM
Time left: 60 hours.

Bago mag-alas nwebe kagabi nakalabas na kami at nakasunod na sila Kio nun. 9:30 kami nakaalis dun at bandang 10 pm for sure tinablan na si Kio ng nasugatan sakanya.

12 hours na ang nabawas at nandito na kami sa tuktok ng bundok.

Lumapag kami ni G-Dragon sa tagong lugar dahil nakapalibot ang mga parang halimaw na zombie dito. Hindi naman ganito dati nung nagpunta ako ah? Walang bantay nun.

Nagtransform naman si G-Dragon. Ji na nga lang, ang haba ng isa e.

"Wooh kapagod" reklamo nya.

Hindi ko sya masisisi. 12 hours ba namang lumipad sa ere.

"Sht. Mga marcoons." Sabay turo sa mga nagbabantay dito.

Marcoons? Ang alam ko mga parang zombie yun na kailangang maputol ang ulo bago mamamatay. At mahirap gawin yun dahil sa bawat isa tatlo ang ulo nila. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan.

"Nakaharap ka na dati ng ganyan?" Tanong ko.

"Oo. At mahirap silang patumbahin. Mahirap maputol ang ulo nila. Masyado pa silang marami." Paliwanag nya.

Sht. Dalawa lang kami laban sa ilan ba to? Nasa isang daan ata o higit pa. Jusko.

Naalala ko yung Black Magic. Pero 12 hours pa bago sila makarating dito. Kahit naman mas malakas teleport nila kaysa sakin hindi talaga kakayanin.

Bahala na nga.

Kinuha ko yung binigay nilang parang maliit na wand na may crest ng black magic at may pinindot dito.

"Cara?" Boses ni Evo.

"Need backup at Mt. Makaraya. Kaya ba?" Tanong ko.

"Kaya. Basta kaya mo maghintay ng 12 hours?" Sagot nya.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now