Chapter 36

3.6K 93 7
                                    

<- EVANS.

SOMEONE POV

"Bakit kailangan kong itago pagkatao ko sakanya?" sabi nito.

"Dahil hindi pa ito ang tamang panahon. Kapag nalaman niya kung sino ka talaga. Aalis siya ng academy na to."

"Bakit?"

"Kapag nalaman nya ang lahat, pupunta siya sa SKULL. At hindi pa pwede dahil malalagay sa panganib ang academy."

"Hindi mo rin ba naisip ang mga magulang namin? Isipin mo din ang nararamdaman niya. Ang tagal kong hinintay tong pagkakataon na to. Kailangan ko nang aminin sakanya ang lahat."

"Sa tingin mo papaniwalaan ka agad ni Icarus?----

At sa hindi inaasahan, pumasok ang isang babae na kanina pa nila pinagtatalunan.

CARA POV

"Ano ang aaminin? Anong pinagsasabi nyo?" Tanong ko.

Papunta sana ako kay Director Choi nang marinig kong may kausap siya. Aalis sana ako nang marinig ko ang pinag uusapan nila.

Tumingin ako kay Director.

"Explain."

Tumingin din ako sa kausap niya. Si Evans.

"Icar---

"Maupo ka." Director Choi.

Naupo ako at hinintay ang sasabihin niya.

5 minutes.

"Nasasayang ang oras ko!" Sigaw ko.

"C-cara meet your brother...Evans Ken Heather."

What?

Tiningnan ko siya at nakayuko lamang siya.

"Woah. Stop! Wala akong kapatid. Heather?" Sabi ko.

"Hindi lang kayo magkapatid. Kambal din kayo." Director Choi.

"Ano bang pinagsasabi mo!? Kambal!? Hindi kami magkamukha at hindi---

"Hindi porket hindi kayo magkamukha ay hindi na kayo kambal. Sabay kayong pinanganak. Parehas ng magulang. Tapos!" Director.

Ano ba to?

"C-Cara.." tawag ni Evans.

"What!?"

"Pagkapanganak palang satin. Kinuha na ako ni Galactus---

"What!?" Napatayo ako.

"Listen to me first. Alam ng mga magulang natin na isa satin ang kukunin ni Galactus. At ako ang napili niya. Sinabi pa niya na sa susunod, ikaw naman pero ayaw nilang pumayag kaya isinuko nila ang sarili nila sa Darkhail. Hindi sila namatay sa war Cara. Kinuha sila at dinala sa SKULL..."

Nanghina ako bigla sa nalaman ko. Teka ayaw mag sink in lahat ng sinasabi niya.

"Pinalaki ako sa Darkhail. Ginawa akong alipin. Noong nasa SKULL ang mga magulang natin pinakilala pa siya ni Galactus sakin. At kinulong kaming tatlo doon. Wala kaming magawa. Bakit ako nandito ngayon? May mag-asawang Darkhail ang umampon sakin. Nilabas nila ako sa impyernong lugar na yun. At nangako akong babalikan ko ang mga magulang natin. Tinakasan ko ang mga umampon sakin at hinanap kita. Ilang buwan kitang hinanap.."

"K-kailangan nating pumunta sa SKULL." Yun lang ang nasabi ko.

"Magplano muna tayo. Lalo na ngayon, alam na ni Galactus na magkasama tayo." Evans.

Lahat naman alam niya.

"So kinailangan mo pang sabihin Director na maghanap ako ng assistant? At ikaw naman ay nagpanggap na assistant ko? Dahil alam mong tatanggapin agad kita kasi walang may gusto na iba? At pinalitan mo din surname mo? Dallas?" Tuloy tuloy kong sabi.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now