Chapter 28

3.6K 91 8
                                    

<-- ACE.

CARA POV

Apat na araw nalang ang natitira. Sana sa apat na araw na yun, walang mangyaring masama kila Evo.

"Cara..nakakatakot pala ang royalties pag ganitong may nangyayari." Sabi niKrystal.

Napansin ko din yun.

"Hayaan na natin sila. Mahalaga sakanila ang academy." Sagot ko.

Lumabas na kami ng cabin. Papunta kami ngayon sa field. Hindi namin alam kung anong meron pero si Kane ang nagpatawag sa mga eatudyante.

Hindi na kami masyado nagkikita ni Kane nitong mga nakaraang araw. Naging busy siya masyado. Umupo kami sa pinakaharap. Madami na ring students ang nandito. May maliit na stage sa gitna.

Maya maya ay nagpunta si Kane sa stage kasama ang mga royalties.

Naghiyawan naman yung mga babae. Psh.

"Students, ngayon ay may natitira nalang tayong apat na araw bago bumalik ang mga darkhail dito." Kane.

"May balita na ba kay Icarus?" Tanong nung isa.

"Wala pa pero hindi na problema yun. Nandito ang mga kasamahan nya na makakapagturo sa atin kung nasaan si Icarus. Ilabas nyo sila." Kane

Kumabog ang dibdib ko. Nilabas nila ang mga nakatali at duguang Black Magic.

Sh*t. Sila Evo. Si Evo at Landia lang ang may malay. Pero si Aira at Walter ay nakapikit.

What the! Paano!?

"Mapapalabas natin si Icarus dahil sa mga to." Sabi ni Kane.

At tinuro nya sila Evo.

Tumingin sakin si Evo. Tiningnan ko din sya at malapit na din syang mahimatay. Sobrang putla niya at sugatan din siya.

"Evo.." bulong ko.

"Bumalik na kayo sa mga training nyo." Sabi ni Kane at pinaalis ang mga students.

Nilapitan ko sila Evo.

"Evoooo!" Tawag koz

Pero agad akong pinigilan ni Kane.

"Stop." Aniya at pinasok na ulit sila sa parang kulungan.

Sinampal ko sya. Napatingin lahat ng royalties sa amin. Mukhang gulat sila. Pati ako ay nagulat ako sa nagawa ko.

"Bakit!? Anong kasalanan nila!?" Tanong ko.

"Sinampal mo ako para dun? Kalaban sila Kent! Hindi ka ba nakikinig? Palibhasa kasi..." Kane.

"Ano!?" Sagot ko.

Palibhasa wala akong alam?!

Hindi siya sumagot.

"Palayain mo sila." Sabi ko.

Nagsilapitan naman sila Stella.

"Are you insane!?" Gianna.

They're mad and I don't care.

"Cara i-eexplain namin sayo ha." Ace.

No need. Hindi ko sila pinansin at bumaling kay Kane.

"Kapag hindi mo sila pinalaya, maghiwalay narin tayo." Sabi ko.

Ito nalang ang naiisip kong paraan.

Lahat sila nagulat sa sinabi ko. Lalong lalo na si Kane na naging blanko din ang ekspresyon.

Lumapit si Stella at sinampal ako.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now