Chapter 47

1.3K 35 1
                                    

ACE POV

STANLUXY ACADEMY

"Ace at AJ, kayo na ang bahala sa main gate. Brent at Kio sa likod kayo. Ji and the girls, kayo ang bahala dito sa loob. Ako na ang bahala kay Galactus. I-aassemble ko na ang ibang students. Anytime ay pwede na silang umatake—-

Hindi na natuloy ni Director Choi ang sinasabi niya dahil nakarinig kami ng hiyawan. May pumasok na isang lalaki at humahangos.

"Andito na sila Director!" Aniya.

Nagkatinginan kaming lahat at nagtanguan.

Ito na ang tamang oras.

"Let's go! Move!" Sigaw ko.

Nagmamadali kaming lumabas at nagpunta sa mga assigned place namin.

Napanganga ako sa nakita kong kabuuan ng academy.

"What the f*ck!" Sigaw ni AJ.

Nagmistulang warzone ang buong lugar. May pagsabog na nangyari. May mga eatudyante na nakikipaglaban na sa darkhail.

Wala na kaming sinayang na oras ni AJ at agad sumugod.

Hindi kami papayag na masira niyo ang lugar na ito. Hinding hindi.

JI POV

"Stella! Mag iingat kayo!" Sigaw ko.

"Go Ji! Kaya na namin to!" Sagot niya.

Humiwalay ako sa kanila para mas malibot namin ang buong loob ng academy. Hindi kami uusad kung magsasama sama kaming lima.

Lumipad ako at luminga linga. Agad akong bumaba nang makita ang grupo ng mga estudyante na mukhang walang laban sa mga darkhail na kaharap nila.

Lumapag ako.

"Ako ang labanan niyo." Sabi ko.

KIO POV

Nagpaulan kami ni Brent ng fire plates sa mga darkhail. Hindi ko akalain na ganito sila kadami.

"Brent! Sagipin mo muna ang mga sugatang estudyante at dalhin sa mga healer." Sabi ko.

May mga estudyante nang walang malay at nakahiga na sa sahig.

"Sige. Ikaw na bahala dito." Brent.

Madami ng estudyante ang napuruhan. Kung hindi sila magagamot ay tuluyan kaming mauubos nito at hindi maaaring mangyari yon. Wala pa si Galactus. Kailangan naming maubos ang oras niya para kila Cara na nasa SKULL.

EVO POV

SKULL

"Talasan niyo ang mga mata niyo." Sabi ko.

Nandito kami ngayong apat sa teritoryo ng isa sa mga king o manipulator dito sa SKULL.

Si King Eve.

Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan nang marinig ko ang pangalan niya. Umiling ako. Hindi maaaring siya yon. Imposible.

Hindi madilim sa lugar na ito hanggang sa may naapakan ako at biglang umangat ang tinatapakan naming lahat. Parang lumindol at may maliliit na bato ang nagbagsakan.

"Wind magic!" Aira.

Kinontrol ni Aira ang hangin para hindi bumagsak sa amin ang mga bato.

"Nice one." Walter.

Patuloy lang ang pag angat ng bato hanggang sa mapunta kami sa isang patag na lugar. Napaliligiran ito ng tubig. Sa di kalayuan ay may bulkan pa na nagbubuga ng apoy.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now