Chapter 34

3.7K 92 7
                                    

<-- AIRA.

Ji POV

Mag-isa ko ngayon dito sa cafeteria. Okay lang, sanay naman na ako mag-isa eh.

Mabuti nalang at nakita ko si Aira.

"Pssssst!" Tawag ko.

Tumingin naman siya at nakitable sa akin.

"Nasan sila?" Tanong niya.

"Ewan. Yan lang kinakain mo?" Tanong ko.

"Oo bakit? Ano problema?"

"Ang konti naman kaya pala ang payat mo." Sagot ko.

"Uy hindi ah. Kahit madami akong kainin hindi talaga ako tumataba." Aira.

"Ahhhhh...penge." Sabi at binawasan ko yung pagkain nya.

Tinampal nya yung kamay ko.

"Ang konti na nga kukuha ka pa. Tsaka favorite ko to. Kung gusto mo umorder ka ulit."

"Damot mo naman." Sabi ko.

"Ang takaw mo."

"Payat."

"Unggoy."

Huh? Paano napunta sa unggoy yun?

"Paano napunta sa unggoy yung payat?" Tanong ko.

"Di ko din alam hehehe nasabi nalang ng bibig ko eh. Penge ako nito." Aniya at kumuha ng tuna sa plato ko.

"Edi penge din." Sabi ko at kumuha ng pork sakanya.

Hanggang sa nagshare nalang kami ng pagkain.

"Nabusog ako! Thank you Ji!"

"Ako din! Hahaha balik na tayo sa headquarters." Aya ko at sumunod naman siya.

CARA POV

"Bakit kailangan ko ng assistant?" Tanong ko kay Director.

"For your safety. Mahirap na."

"No. I can protect myself." Sagot ko.

"Maghanap ka o ako maghahanap?" Director.

Aish.

"Ako na." Sagot ko at umalis.

Sh*t. Saan naman ako hahanap ng assistant? Sa mga estudyante dito, alam kong natatakot sila sakin. Ngayon pa na kapag makita palang kami ay tumatakbo na sila.

Well, di ko sila masisisi.

STELLA POV

Nagtuturo si Sir Carlo nang may pumasok na lalaki.

Who's this?

"Ikaw ba yung bago?" Sir Carlo.

"No sir. Gusto ko lang mag aaply bilang assistant ni Icarus." Sabi nung lalaki.

What?

"Anong assistant sinasabi niyan?" Kio.

"Dunno" Brent.

"Uh? Pumasok ka dun---" Sir Carlo.

"Tanggap kana. Follow me." Cara.

Napatingin kami kay Cara sa pintuan.

"Talaga?" Tanong nung lalaki.

"Bingi kaba?" Cara.

Naglakad siya papasok sa headquarters nila.

"Yes! By the way guys, My name is Evans Ken Dallas. Hello!" Pakilala niya sa klase at sinundan si Cara.

Nagtilian naman mga babae dito.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now