Chapter 24

3.8K 89 0
                                    

<-- Kane's picture. <3

CARA POV

Pagkatapos kong magdrama dun, umalis muna ako ng academy. Kung san pwedeng maglabas ng galit.

Di ko alam kung bat napunta ako dito sa parang bukid. At dahil nabebeastmode na talaga ako, pinagsusuntok ko yung mga puno dun.

Ramdam ko namang umaagos yung dugo sa mga kamay ko. Hindi ko man lang maramdaman sa sobrang inis ko.

Nagtraining nalang ako para sa paghaharap namin ni Galactus at ng ibang mga darkhail.

Ito nalang ang naiisip kong paraan, mag-isa kong haharapin lahat ng to. Walang madadamay na iba. Ako lang naman ang gustong patayin ni Galactus simula palang. Pwes, haharapin ko na sya.

Bumalik na ako sa academy. Pagpasok ko sa cabin nandun si Director Choi.

Anong ginagawa nya dito?

Pano pag may nakakita sa kanya?

"Director anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Gusto mong lumaban ng mag isa? Pupunta ka sa darkhail mamaya diba?"

Pano nya nalaman?

"Cara..ikaw lang ang pag asa naming lahat."

Nino?

"Pati lahat ng nandito sa academy at buong Chiandria. Tapos haharapin mo silang mag isa? Para mo na ring tinapon ang sarili mo sa kalaban. Oo, galit lahat ang estudyante sayo. Pati mismo sila Kane. Pero maiintindihan din nila at matutulungan tayo pag alam na nila."

"KAYA NGA GUSTO KO NG IPAALAM SAKANILA! AYOKO NG GANITO! AYOKONG MAY MADAMAY!" Di ko napigilang sumigaw.

"Gusto mong ipaalam sakanila? Sige. Kapag pinaalam mo sa kanila. Hindi lang buhay natin ang delikado. Pati buhay ng lahat dito. Sa tingin mo tatahimik sila kapag nalaman nila? Meron ka pa yatang hindi nalalaman dito Cara." Seryosong sabi ni Director Choi.

"Ano?" Tanong ko. Ano pa ang di ko nalalaman?

"May mga estudyanteng Darkhail dito."

"What?!"

Bakit ngayon lang nya sinabi!?

"They're pretending to be a normal student. Bago kapa dumating dito, balak na talaga nilang atakihin ang academy. Pero dumating ka, naramdaman nila ang presensya mo. Sinusubaybayan ka nila Cara. Pero hindi nila kayang harapin ka dahil kumbaga sa rank. Rank 5 lang sila. Wala silang laban sayo. Kapag nalaman nilang sinabi mo na sa mga taga-academy na ikaw si Icarus. Aatake na sila. Ikaw lang ang hinihintay nila. One wrong move at mamamatay tayong lahat." Director Choi.

I'm doomed.

"Bakit hindi mo hulihin ang mga Darkhail dito?" Tanong ko.

"I can't. Paiba iba sila ng anyo."

"Kung hindi pala nila ako kaya, anong ginagawa nila dito?"

"Informations. Lahat ng taong malapit sayo. Lahat ng ginagawa mo. At lahat ng kaya mo pang gawin." Sagot nya.

"Ibig sabihin....nasa panganib sila Kane?"

"Yes. That's why I came here. Alam ko ang ginawa nila Kane sa mga mage na kaibigan mo. I feel sorry for that. Cara, kailangan nating mag-isip sa bawat gagawin natin. Mauuna na ako." Aniya at bigla nalang syang umalis ng sobrang bilis.

Gulong gulo na ang utak ko.

Una, may darkhail dito.

Pangalawa, malamang kilala na nila ang malalapit sakin. At nasa pahamak sila.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now