Chapter 32

3.8K 92 1
                                    

<- AJ.

EVO POV

"Sa tingin nyo kaya susunod sila Icarus dito satin?" Tanong ni Aira.

Isang linggo na kasi magmula nung dumalaw kami sa bahay niya.

"Susunod yun." paninigurado ko.

Kilala ko si Icarus. Kailangan niya tayo. Pati ang academy at sila Kane.

Papunta kami ngayon sa headquarters. Sa laki ng lugar na ito ay dito pa talaga sa loob ng room napunta headquarters namin. Kada papasok kami dadaanan pa namin yung instructor at madidistract nanaman yung iba dahil samin. Si Director Choi talaga kung ano ano naiisip.

Pagpasok namin ay wala pa silang instructor. Natahimiik nanaman ang klase. Anong bago? Para kaming iniiwasan sa academy. Yung iba natatakot at yung iba hindi kami gusto. Ganoon din naman kami. Kung hindi lang talaga dahil kay Director at Icarus.

Naupo na kami sa sari-sarili naming table. Bawat laptop na tig-iisa samin ay nakikita ang bawat bahagi ng academy.

Kailangan lang namin i-monitor to. May kanya kanya kaming assigned place.

Dumating na din si Director Choi at inasikaso ang gagawin niya.

CARA POV

Sinusuot ko ang sapatos ko nang pumasok si Ji sa kwarto ko.

"Master pupunta naba talaga tayo? Hindi kapa okay eh. Tapos nilagnat ka pa." Ji.

"I'm fine." Sagot ko.

Kahit may benda pa ang kamay at noo ko. Hindi naman na masakit. Konti nalang.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Dating gawi Cara.

Nagmask ako at shades. Dinala ko din ang leather jacket ko.

"Tara na." Aya ko at nagdrive ng motor.

Siya naman ay lumipad.

3rd PERSON POV

Pumasok na ang instructor sa klase nila Kane at nagklase habang busy naman sila Evo na nasa headquarters.

"Ngayon ang pag-aaralan natin ay ang iba't ibang uri ng Light Enchantress." Sir Carlo.

Nabuhayan naman ang lahat dahil sa topic.

"Sir! May balita po ba kay Icarus?" Tanong ni Farrah.

"Bakit hindi mo itanong sa loob?" Sagot ni Sir Carlo.

"E-Eh.." Nahihiyang sabi ni Farrah.

"Teka ano na nga ba ang balita kay Icarus?" Tanong ni Sir Carlo.

Walang sumasagot at lahat natahimik.

"Ehem. So magstart na tayo----

Bago pa man matuloy ang sasabihin sana ni Sir Carlo ay may hindi inaasahang pumasok sa loob.

"I-icarus?" Sir Carlo.

Tuloy tuloy lang siyang pumasok kasama si Ji.

Lahat nakasunod ang tingin sakanya. Lahat din ay natahimik nanaman. Umingay ang buong room dahil sa bulungan ng estudyante.

Pumasok si Icarus sa headquarters.

Sumenyas naman si Director Choi mula sa loob na ituloy ang klase dahil lahat ay nakatingin sa headquarters.

Tinuloy naman ni Sir Carlo ang klase kahit maging siya ay gulat din.

KANE POV

She's alive.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now