Chapter 38

3.7K 91 7
                                    

<-- LANDIA.

CARA POV

Andito na kami sa Montana Hotel. Sa tapat ng hotel makikita na agad yung beach. Sobrang ganda.

Sa isang kwarto, tatlo ang magkakasama. Kami nila Aira at Landia ang magkakaroom. Yung iba naman ay by two.

Lumapit si Director samin

"Enjoy guys!" Aniya at umalis na.

"Guys! Swimming na agad tayo!" Aya ni Pia.

"Sige tara na magpalit." Gianna.

Ang hahyper nila. Ang sarap ng ganito. Parang wala kaming problema.

Pumasok na kami sa room namin. Agad akong humiga.

"Ooops. Tumayo ka dyan. Tara magswimming." Aira

"Tinatamad ako." Sabi ko.

Pero gusto ko lang talaga iwasan ang royalties.

"No. Magpalit na tayo" Landia.

At dahil mapilit sila, tumayo na ako.

Binuksan ko yung bag ko.

F*ck.

"Bakit puro bikini to!?" Tanong ko.

Pumasok naman agad silang dalawa sa banyo.

Aish! Nahiga na ako sa kama ko.

Lumabas sila at mga nakabikini.

"Tara na!!!"

Sa sobrang pilit nila hindi ko alam kung bakit palabas kami ng hotel at black bikini lang suot ko. Wala man lang patong na kahit ano since kaming taga-academy lang ang nandito.

"Ang cool ng tattoo mo Icarus" Landia.

"Aish."

Nakita naman namin sila. Mukhang nag-eenjoy naman lahat sila.

Sinalubong kami ni Evans.

"Witwew." Umakbay pa siya sakin.

"Wow. Abs." Landia. Si Evans kasi nakashorts lang.

"Bitawan mo nga ko." Sabi ko.

"Tignan mo yun oh." Evans.

Nginuso niya sila Kane na nakatingin samin.

"Pagselosin natin." Evans.

"As if namang magselos yan" Sabi ko.

"Hahaha tara na nga magswimming." Aya niya.

Andun din sila Stella.

"Wow ang sesexy nyo." Stella.

Hindi ko siya pinansin.

"Thanks. Kayo rin. Tara na magswimming!" Landia.

Plastican 101 ba to? Kidding.

Nagswimming na nga kami. Infairness naman, nakakarelax.

Nang tinamad na ako ay umupo muna ako sa buhanginan.

May nagtapon ng t-shirt sa mukha ko.

"Ano ba Evans---

Paglingon ko, si Kane.

"What!?" Sabi ko.

"Di ko kasi masikmura yang bilbil mo. Isuot mo yan!" Kane.

"Wow. Hanapin mo nga bilbil ko!"

Tumayo ako at hinarap ko katawan ko sakanya. Ang sexy sexy ko tapos hahanapan nya ko ng bilbil!?

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now