Chapter 26

3.6K 98 3
                                    

<-- Kio's picture. <3

KANE POV

Pagkatapos ng training nagpunta kami ni Ace sa mga agents.

Walang nakakaalam ng pinapaimbestiga namin lahat maliban saming dalawa. Pati sa royalties at si Kent wala silang alam.

Pinabackground check namin ang Black Magic. Ang ibang royalties. Si Ji, Krystal at si Kent.

Hindi ko na sana isasama si Kent pero mapilit si Ace.

Ginawa lang namin to para sa safety ng grupo namin laban sa Black Magic.

"Thanks Jaime" Ace.

At inabot nya yung mga files.

Umalis na kami dun. Habang nagdadrive ako binabasa na ni Ace yung mga files.

CARA POV

Andito kaming lahat sa isang park. Since Saturday naman. Nag usap usap kami na mamasyal. At oo, kasama si Lian. Okay naman na kami. I hope so.

Naglatag kami ng tela at nilagay ang mg dala naming pagkain. Yung mga boys naman ay nangingisda sa tapat namin. Ang cool ng park nato. Ang ganda pa ng view.

"Finally, nagkaroon din tayo ng time para makapagrelax." Stella.

"Yeah right." Pia.

Pero si Gianna, sobrang tahimik.

Nagtinginan naman kami.

"Gianna ang ganda dito no?" Sabi ko sakanya.

Tumango lang siya.

Agad agad namin syang pinalibutan.

"Gianna may problema ba?" Stella.

Bigla syang ngumiti.

"Wala no." At nagkwentuhan na kami.

Pero alam kong may mali. Tiningnan ko si AJ at mukha naman syang masaya.

Nilinisan nila yung isda at inihaw nila.

Lumapit naman si Kane sakin.

"Hey beautiful. Come here may papakita ako sayo." Aniya at hinawakan ang kamay ko.

Napunta kami dito sa isang part ng park na puro flowers at iba't ibang kulay at sa gitna may river na sobrang linaw ng tubig. So beautiful.

"Ang ganda."

"Yes. Lalo ka na." Sabi niya at niyakap ako patalikod.

I feel safe on his arms.

"Baby may ibibigay pala ako sayo." Kane.

May sinuot siya sakin bigla. Singsing yun na crown yung design. Ang ganda.

"Ano to?" Tanong ko.

"Singsing." Binara pa ako.

"What I mean is para saan?"

"Promise ring yan baby. Ang susunod dyan engagement ring. At yung susunod syempre pag kasal na tayo." Kane.

Napanganga ako. May alam pala siya sa mga ganoon? Naiiyak ako at di ko na nga napigilan.

"K-kane..."

"Binigay ko yan para may symbol na sakin kalang. Okay baby? And now, promise me, na ako lang. Ako lang ang nagmamay-ari sayo. At hinding hindi ka aalis sa tabi ko."

Kane. Bakit pinapaiyak moko ng ganito. Pinupunasan nya yung luha ko.

"I-i promise." At niyakap ko sya.

Stanluxy AcademyOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz