Chapter 27

3.5K 88 1
                                    

<-- Krystal's picture <3.

CARA POV

After that night naging sweet si AJ kay Gianna. Hindi na kami nagulat pero syempre dapat hindi muna bumigay si Gianna.

Nagtatraining parin kami ni Ji. Minsan nalang kami magkita ni Kane kasi may inaasikaso daw sila ni Ace. Ayaw naman nila sabihin sa amin kung ano yun.

Nakahiga ako ngayon sa kama ko nang tumunog yung phone ko.

"Lets meet Cara or should I say Icarus? I want to see you."

Huh sino to?

Nagtext ulit.

"Galactus"

Galactus?! Napatayo ako ng may narinig akong sigawan at mga pagsabog.

Agad agad akong tumakbo palabas.

Lahat ng estudyante pinapunta sa field. Andun lahat sila.

Nasa gitna si Galactus at ang mga darkhail. Nakatingin sakin si Galactus, nag iwas agad ako ng tingin at nakihalubilo sa mga nandito.

"Hindi ko na papatagalin pa, may sasabihin lang ako." Aniya at tumingin sa royalties. Andito din sila?!

Malamang Cara.

"Hindi namin aatakihin ang academy nyo." Galactus.

Anong sinasabi nito?

"Basta dalhin nyo sakin si Icarus nang buhay."

Biglang nagsalita si Kane.

"Kakampi nyo si Icarus diba?"

Naguguluhan lahat sila.

"Y-yes. Pero may sinuway siya. Gusto nyang mapasakanya ang academy nato ng mag isa."

And now he's lying.

"I have a deal. Hindi namin aatakihin ang academy nyo, pero kailangan nyong ipunta si Icarus sakin."

Bakit hindi nalang sila ang humuli sakin?!

"Bakit samin mo pa pinapahanap si Icarus?!" Kane.

"Dahil nandito sya sa academy nyo." Galactus.

Wtf.

Napuno ng bulungan ang buong field.

"Ano?!" Kane.

"Its for you to find out." Galactus

I'm so pissed off right now but I can't do anything.

"So its a deal?" Galactus.

Nag iisip ang mga royalties.

May sumisigaw ng deal at meron ding hindi. Bakit sila makikipagdeal sa kalaban?!

"Hayaan nating ang magandang babaeng yun ang magdecide. Come here lady." Aniya at tinuro ako.

You wanna play a game huh?

Lumapit ako sakanila. Nakatingin naman sila Kane sakin at pinipigilan ako.

"What's your name?" Galactus.

"Cara." Sagot ko.

"What's your name again?" Galactus.

Napupuno nako sayo!

"Cara..." sagot ko ulit.

"So Cara, payag kaba?"

Tumingin ako kila Kane, at pumapayag sila.

"D-deal." Sagot ko.

Ngumiti naman si Galactus.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now