Chapter 43

4.4K 109 38
                                    

CARA POV

Nagising ako nang maramdaman ko na masakit ang katawan ko.

Nakatulog pala akong nakaupo dito sa CR. Tumayo ako at pinagmasdan ulit ang mukha ko sa salamin. Namamaga ang mga mata ko at yung buhok ko ay parang mangkukulam.

Mukha akong baliw.

Agad agad akong naghubad at binuksan ang shower.

"Napatay ko si Lian. Muntik ko ng mapatay si Kane at si Krystal..." mahinang sambit ko.

Ang tanga mo Cara. Ang tanga tanga mo.

Kaya pala ganun nalang ang takot nila sakin. Damn! Kasalanan ko lahat ng to.

Tumulo nanaman ang mga luha ko.

Should I say sorry?

No! Hindi sapat yun. Alam kong hindi padin nila ako mapapatawad.

Sa ganitong sitwasyon, Guilt at galit lang ang nararamdaman ko.

Dire-diretso akong pumasok ng headquarters. Sakto walang tao sa room dahil walang klase sila Kane. Naabutan ko naman sila na busy.

*blaaaaag*

Padabog kong nilapag yung bag ko sa table.

Lahat sila napalingon.

"Bal whats your problem?" Evans.

"Kayo. Kayo ang problema ko. Bakit!? Huh? Bakit nyo tinago sakin!?" Sigaw ko at walang sumasagot.

"Sasabihin naman namin sana sayo." Evo

"Kailan?! Kung hindi ko pa naalala, hindi pa kayo aamin huh?"

"Icarus ayaw naming maguilty ka." Landia.

"Punyetang guilty yan! Tinago nyo sakin lahat lahat, naalis ba yung guilt!? Hindi! Nakatatak parin sakin!" Sigaw ko.

"Watch your words Cara!" Galit na sabi ni Evans.

"What!? Pinagmukha nyo kong tanga! Muntik ko ng mapatay mga kaibigan ko at lalo na yung boyfriend ko nang walang kamalay malay!"

"At ano pag nalaman mo? Anong gagawin mo? Paparusahan mo yang sarili mo hanggang mawala yang guilt na sinasabi mo?!" Evans.

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Hindi ka dapat maguilty kase ginawa mo yun ng dahil samin." Evo.

"Icarus, gusto lang namin ang ikakabuti mo." Aira.

Tumayo ako.

"Tama na." Sagot ko at umalis.

Kung kinakailangang saktan ko ang sarili ko para mawala yung guilt na nararamdaman ko, gagawin ko.

Pero hindi, kailangan ko pang balikan ang mga magulang ko. Magulang namin ni Evans.

Damnit. What should I do now? 

Nasalubong ko sila Stella sa hallway. Pabalik na siguro sila ng room.

"Cara!" Tawag nila.

Nginitian ko sila ng peke.

Tiningnan ko si Kane at ngumiti siya ng konti. Ngumiti lang din ako.

Bago pa nila ako malagpasan hinatak ko si Kane at niyakap ng mahigpit.

"I love you..." mahinang sabi ko. Sapat lang para marinig niya.

Niyakap niya ako pabalik.

Dapat matuwa ako diba? Pero bakit ang sakit?

Stanluxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon