Chapter 21

3.9K 104 1
                                    

CARA POV

Halos one month na simula nung naging kami ni Kane. Sa one month na yun wala namang masyadong nangyari bukod sa pagiging sweet ni Kane na lumalala araw araw.

Tinutuloy parin nila ang training nila dahil sa Dark tournament. Hindi sila kasali pero involve ang lahat ng nanonood. Magulo ba?

Matagal pa ang Academy Dark Tournament at pinaghahandaan na nila ito. Ang mga nanonood or audience galing sa lahat ng academy ay involve dahil pwede rin silang atakihin.

Ang mga grupo na kasali sa Dark tournament ngayon ay dapat makabuo ng 5 members each group. Nagtatrain din syempre kahit manunuod dahil pag may humamon sayo, hindi ka pwedeng humindi.

Madumi ang laban sa Dark Tournament. Madaming namamatay kahit hindi kasali. Madami ding mga mandaraya at madami ding pumapatay ng mga inosente.

Lahat ng students ay required na pumunta. Pero mukhang ako mag-isa ang maiiwan dito.

"I said no. You can't go." Ilang beses na sinabi ni Kane.

"Andun ka naman para protektahan ako diba?" Nagpapacute pa ako. Gusto ko talaga pumunta.

"Yes. Pero ayokong sumugal ulit." Sabi nya.

Yung kay Lian ba ang tinutukoy nya?

"Okay" kunwari nagtatampo ako. Pero pupunta parin ako.

Niyakap nya ako. Andito kami sa kwarto nya at pinag-uusapan yung Dark tournament.

"Baby hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo. I love you to the point na ikakamatay ko pag nawala ka."

Kinilig naman ako.

"Oo na. Kiss mo ko dito?" Sabay turo ko sa cheeks.

Kiniss naman niya ako.

"Okay na. Basta mag-iingat ka dun ha? Kapag bumalik kang may sugat, lagot ka sakin." Sabi ko.

Tumawa naman sya.

"Masusunod kamahalan." Aniya at nagkwentuhan pa kami.

Sana hindi na matapos yung ganitong moment namin.

- -

Mamayang gabi na ang Dark Tournament. Kagigising ko lang at wala kaming class ngayon. Pero lahat sila may training. Mag isa ko nanaman.

Alam ko na. Pupunta nalang ako sa Black Magic.

Gumayak na ako at umalis.

*knock knock*

Binuksan naman agad ni Walter ang pinto.

"Icarus! Pasok ka." Nakita ko naman silang apat na nakatingin at ngumingiti.

"I have an idea." Landia.

At hinatak ako paupo sa tabi nila.

"Ahm Icarus ano kasi e...." Aira.

"What?"

"Uhmmm." Landia.

Ako naman naiinip na sa sasabihin ng mga to.

"Ano?" Ulit ko.

"Join our group for the Dark Tournament." Evo.

Wait what?

"Please kulang kasi kami. Kanina pa kami nag-iisip kung sino pa yung isa and thanks god dumating ka." Landia.

"Can we count you in?" Walter.

They're my friends so why not? At malaki narin natulong nila sakin.

"I want to join. Pero manonood lahat ng taga Academy. Baka makilala pa nila ako." Sabi ko.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now