Chapter 4

6.9K 181 14
                                    

CARA POV

Nakahiga ako ngayon sa kama habang umiiyak. Ilang taon ba akong hindi umiyak at parang nakakapanibago.

8 years old ako nun. Kakalipat ko lang sa bahay ampunan at kakamatay lang ng parents ko. May nameet akong kasing edad ko, si Sean.

Siya lang kinakausap ko. Pati sila sister ay hindi ko kinakausap.

Araw araw kaming naglalaro. Naging kuya ko sya and at the same time protector.

Months passed. Super close na kami. Yung pagiging tahimik napalitan ng maingay at makulay. I'm so happy that time because of Sean. He's my best buddy. And at the age of 8 years old gusto ko na siya. Is this what they called "puppy love"?

But after that one night, someone came and told me that I need to go somewhere. Madaming nakasunod saking masasamang tao.

And without a second. I left without saying a word.

Dumilat ako at tumutulo parin ang mga luha ko.

Sean. After all these years nakita na kita. Pero bakit natatakot ako? Natatakot ako na pwede kang mapahamak dahil sa akin.

Hindi ko namalayan na nakatulog na ako at hanggang sa panaginip ay nakatatak pa rin ang imahe ng isang batang lalaki na minsan ay nagbigay ng kulay sa aking madilim na mundo.

- -

"Gising na. Breakfast is ready!" Nagising ako sa sigaw ni Krystal.

Anong bago?

Bumangon na ako at kumain ng tahimik.

"Good morning Cara. Mauna na ako ha? May dadaanan pa kami ni Ace. Kyaaaah!" Sabi nya sabay alis.

After kong kumain ay gumayak na ako at lumabas.

Nagulat nalang ako ng makita si Kane.

"Oh?"

"Sabay na tayo pumasok baka may mambully nanaman sayo." Sabi nya sabay hatak sakin.

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante dito. Hinila ko ang braso ko na hawak niya.

"Bakit ba kasi---

"Ang dami mo namang arte" Aniya sabay alis.

Ano yun? Minsan talaga hindi ko na siya maintindihan.

Pumasok na ako at nandun na ang professor namin. Umupo nalang ako at since lumipat si Kane ay katabi ko siya ngayon.

"Huy." tawag ko.

Deadma

"Pst." Ayaw parin mamansin.

Ay bahala na nga siya. Baka mapagalitan pa ako dito dahil sa kakatawag ko sakanya.

Hours passed

Lunch time na. Kasama ko si Krystal at Stella. Hindi ko alam kung nasaan yung iba.

Umorder na kami at naupo.

"Asan pala yung iba?" tanong ko.

"Ah namili lang. Naisipan kasi nila AJ na magbarbeque party tayo later. Kasi next week na ang patayan sa training. Walang pahinga pahinga." Kwento ni Stella.

"Ah kasama ba nila si Ace?" tanong ni Krystal

"Oo gumamit sila ng portal. Dun tayo mamaya sa flower garden." Stella

"Saan yun?"

"Sa likod lang ng villa. Kami lang pumapasok dun pero we're friends na kaya pwede na rin kayo." sabay kindat ni Stella.

Stanluxy AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon