Chapter 25

3.9K 89 2
                                    

<-- Stella's picture. <3

CARA POV

Kinabukasan nagpunta na kami ni Ji kila Landia habang training nila Kane.

"Master, dito ba talaga?"

Psh. Kako na bat magrereklamo agad to.

Dire diretso akong pumasok at natanaw nanamin yung bahay.

"Wow." Ji.

"Tara." Aya ko at nauna nang naglakad.

As expected, nakahanda lahat ng gagamitin namin. Pati sila Evo magtatraining. Gusto daw nila ako tulungan, tatanggihan ko sana sila kaso mapilit.

"Hi Ji. Long time no see." Walter.

"Hindi naman. Nung tournament nagkita tayo. Psh pinasabog nyo sasakyan namin."

Natawa naman kami.

"Kasama ka pala dun? Pasensya ah."

"Joke! Syempre okay lang sakin yun. Para sa proteksyon ni master." At tinuro ako.

Napatango naman sila.

"So ano uunahin natin?" Tanong ko.

At ayun, nagpartner partner kami.

Ji & Walter. Aira & Landia. Ako at si Evo.

"Baka naman pwedeng pag-usapan pa to? Ji..palit tayo." Evo.

Napailing ako. Ayaw kasi ako makalaban ni Evo.

"Psh. Kaya mo yan. Dito na ako kay Buddy." Ji.

So kelan pa sila naging close?

"Oo nga. Start na tayo buddy." Walter.

Wow.

"Start na tayo. Ikaw umatake." Sabi ko kay Evo.

Inatake nya nga ako. Psh. Siraulo.  Pag sinabi kasi ng kalaban na ikaw ang umatake, hindi ka dapat umatake. Kasi may nakahanda na syang defense dun at ikaw pa mapupuruhan.

Pasuntok na sya ng nahawakan ko.

"Hindi ka dapat nakikinig sa kalaban." Sabi ko at binaldag sya. Nakahiga sya ngayon

"Awwww." Nakatingin lang lahat sila samin. Nagulat ako. Napalakas ata.

"Tayo." Sabi ko.

Pagtayo niya ay sinipa ko ang tiyan nya. Napahiga siya ulit.

Inabot ko ang kamay ko para tulungan sya pero hinuli nya ako at pinalipit yung kamay ko.

"Good. But that's not enough." Sabi ko at umikot para itwist ang kamay nya.

"Araaaay." Evo.

"Seryoso na kasi!" Sigaw ko sakanya.

Sumeryoso naman sya. Para kasing niloloko yung training.

Ako na umatake sakanya. Sinasangga nya lahat at umaatake din pero naiilagan ko din. Magaling naman pala. Ganun lang ang nangyare hanggang napagod kaming dalawa.

Naupo kami at uminom ng tubig.

"Ang galing mo pala talaga Icarus." Evo.

"Ikaw din. Konting training pa." Sabi ko at uminom ng tubig.

Pinapanood namin si Ji at Walter. Himala at nagseryoso si Ji.

"Basta Icarus, isama mo kami sa gagawin mo. Sa plano nyo."

Hindi ko maipapangako pero bakit? Madadamay lang sila.

"May galit ka din ba sa darkhail?" Tanong ko.

"Y-yeah. Bilanggo nila ang kuya ko sa SKULL. Ang leader ng Black Magic."

Huh? May isa pa pala silang member.

"Anong SKULL?" tanong ko

Nagulat naman siya.

"Hindi mo alam ang SKULL?!" tanong nya.

"Wtf are you talking about!?"

"Hindi mo talaga alam? SKULL ang bilangguan ng mga nahuhuli ng Darkhail. Yung iba pinapatay nila. Pero halos karamihan nakakulong sa SKULL. Makapangyarihan ang naikukulong dito. Hindi madaling makapasok sa SKULL. Madaming pagdadaanan na mga kalaban. At madaming bantay."

Ngayon ko lang narinig yan. Posible kayang may buhay pa na Light Enchantress? Posible kayang buhay pa sila?

"Saan matatagpuan yang SKULL?"

"Sa loob ng Darkhail mismo. Sa underground." Evo.

"Paano mo nalaman lahat ng to?" Tanong ko.

"Kasama ako Icarus sa kinuha nila, kami ng kuya ko. Nakakatakot ang lugar na yun. Ginagawa nilang alipin ang iba. Gumawa kami ng paraan para makatakas. At nagawa namin. Pero nahuli ang kuya ko, hindi ko sana sya iiwan pero pinaalis nya parin ako. Ako lang ang nakatakas. Simula nun sinabi ko sa sarili ko na babalik ako. Babalikan ko ang kuya ko at ang madaming bihag dun." Evo.

Madami ang bihag dun? Posible nga siguro na buhay pa sila. Pero hindi na ako aasa. Basta ang importante, mawala na ang mga darkhail.

"Evo, oras na sinabi kong kasali kayo sa laban ko ngayon. Wala ng atrasan. Mamamatay kung mamamatay." Seryoso kong sabi.

"Nakahanda na akong mamatay, matagal na. Icarus, let us help each other. Sino paba ang magtutulungan diba?" Aniya.

Tumango ako.

Hindi lang pala ako ang nasira ang buhay. Madami kami.

- -

Papunta kami ni Ji ngayon kay Director Choi. Katatapos lang ng training namin at kakarating lang namin ng academy.

"Master kasama ba natin sila sa plano natin?" Tanong nya.

"Yes. Narinig mo naba yung SKULL?" tanong ko.

"Huh? Bungo?"

Psh.

"Yung sa darkhail yung sinasabi ko."

"Ah hindi pa eh. Ano yun?"

At kinuwento ko yung napag-usapan namin ni Evo kanina.

"Ahhhhh. So lima pala sila sa Black Magic." Tumatango tango pa sya.

"Yeah. Keep it secret. Okay?" Sabi ko at naglakad na kami.

Pumasok kami sa office nya.

"Maupo kayo." Director Choi.

Naupo naman kami.

"Director, narinig mo na ba yung tinatawag na SKULL?" tanong ko.

"Parang familiar." Sagot niya at nag isip sya.

"Ah alam ko na. Yung bilangguan ng mga nahuhuli ng Darkhail. Icarus, it's not true." Sabi nya.

"No. It's true."

At kinuwento ko sakanya. Kaya pala walang naniniwala sa SKULL dahil walang nakapagpatunay nito. Underground kasi kaya walang nakakakita.

Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Posible kayang may buhay pang Light Enchantress?" Tanong niya.

"I'm not sure. Pero wag tayong mag assume."

"Bawal mag assume. Masasaktan lang tayo." Biglang singit ni Ji.

Psh.

"Director, Sumama ang Black Magic sa plano natin. Yung leader nila ay nasa SKULL mismo. Hangga't maaari kailangan nating isikreto lahat kila Kane."

"Ako ng bahala sa kanila. Mag-iingat kayo Icarus. Nasa tabi lang ang mga kalaban. At pwedeng gamitin sila Kane laban satin."

Tumango tango naman ako.

Umalis na kami ni Ji dun. Nag aya naman siyang kumain at nagugutom na daw sya. Hapon na pala at di pa kami kumakain ng kahit ano.

Nagpunta kami sa Caf.

Asan kaya sila Kane? Malamang nagtatraining Cara.

Sobrang dami ko nang kasalanan Kane. Hayaan mo, malapit na malapit na. Malapit ko ng sabihin sa inyo ang lahat. Pero sana tanggapin nyo kung sino ako.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now