Chapter 49

1.4K 33 0
                                    

EVO POV

SKULL

Hindi ako mapakali dahil hindi pa bumabalik si Aira at Landia.

"Magtiwala ka sa kanila." Walter.

May tiwala naman ako pero hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan.

Napatingin ako kay Eve na nakangisi lang at pinaglalaruan ang kanyang mga kamay.

Ilang minuto pa ang lumipas at si Landia naman ang dumating.

"Landia!" Tawag ko.

Katulad namin ay hinihingal din siya at sugatan.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Walter.

"Okay lang ako. Nasan si Aira?" Tanong niya.

Napaiwas ako ng tingin.

"Hindi pa siya bumabalik." Sagot ko.

"Last one. Handa na ba kayo na makalaban ako? Paano? Kung alam ko lahat ang mga abilidad niyo? Nakakalimutan niyo yata na ako lang naman ang nagturo at nag-ensayo sa inyo." Eve.

"Tumahimik ka!" Sigaw ko.

Nagulat sila Walter sa sigaw kong yon.

"Wala kang karapatan na ibalik ang nakaraan dahil tinalikuran mo na kami. Akala ko iba ka. Pero isa ka din palang sakim." Sabi ko.

Tumawa siya ng nakakaloko.

"Oo ginawa ko to para sa ikabubuti ko. Oo naging madamot ako pero ito na ako ngayon. Mas lumakas. Hindi ako magbabago ng dahil lang sa inyo o sayo Evo. Tanggapin mo na papatayin ko kayong lahat dito."

Kumuyom ang kamao ko.

Magsasalita palang ako nang may bumagsak sa harap namin mula sa ere.

"Aira!" Landia.

Agad kaming lumapit sa kanya.

"I-I won..." Nahihirapan niyang sabi.

Bigla nalang siyang pumikit.

"Wala ka na talagang puso! Nababalutan ka na ng kasamaan." Sabi ko kay Eve.

Bumaling ulit ako kay Aira.

"Kailangan niyang magpahinga. Masyadong madami ang lakas na naubos niya." Sabi ko.

Binuhat siya ni Walter at inihiga sa gilid.

"Magaling. Ngayon simulan na natin ang tunay na laban." Eve.

Paano namin siya matatalo kung wala si Aira? Hindi namin mabubuo ang form. Hindi pwedeng lumaban si Aira dahil kailangan niya ng pahinga para makabawi ng lakas.

Paano?

CARA POV

Nagpatuloy ako sa paglalakad pagkatapos kong mapatay ang hexana at wala pa din akong matanaw na labasan.

Mukhang naloko ako ng Isagon na yon ah.

Lakad.

Lakad.

Lakad.

Habang patuloy ako sa paglalakad ay nagbabago ang daan. Nagkakaroon ng liwanag at nagiging malawak ito.

Ilang minuto pa at natanaw ko na ng tuluyan ang liwanag. Tumambad sa akin ang isang malaking kwarto na puno ng orasan. May maliliit at may malalaki din.

Bigla nalang may nagsalita.

"Icarus. Ikinagagalak kitang makilala."

Napatingin ako sa gitnang bahagi ng kwarto. May malaking upuan doon na hugis orasan. Nakaupo ang isang matandang lalaki na may puti at mahabang balbas.

Stanluxy AcademyWhere stories live. Discover now