[2]

9.7K 482 129
                                    

(ARIN'S POV)

"Arin, pauwi ka na?" tanong sa akin ni Ceena mula sa kabilang linya.

"Hindi pa. Nagsasarado pa nga lang ako ng shop eh."

"Hahahahaha! Kahapon ikaw din yung nagsara ng shop diba? Tapos ikaw na naman ngayon? Hahahahaha!"

"Ewan ko sa'yo! May tinapos kasi akong cake. Hindi mo man lang ako hinintay. Wala tuloy akong kasabay umuwi." Sabi ko sa malungkot kong boses para maawa sa akin si Ceena.

"Asus! Kaya mo na yan. Ang laki mo na eh. Hahahahaha!"

"Tss. Sige na. Babye na. Magsasara na ako ng shop!" sabi ko pagkatapos ay inend ko na yung tawag.

Chineck ko muna ng mabuti ang buong shop bago tuluyang lumabas ng shop para isara na ito. Nung naisara ko na ito, agad kong inilagay ang susi sa loob ng bag ko at magsisimula na sanang maglakad kaso may pumigil sa braso ko. Agad kong nilingon kung sino 'to. Dalawang lalaki ito na parehong nakasuot ng itim na long sleeves at ripped jeans. Parehas din silang naka-black full face mask.

"Kuya, sarado na po kami. Bukas na lang." sabi ko pagkatapos ay nginitian ko pa sila.

Tatanggalin ko na sana yung kamay nung lalaking nakahawak sa braso ko kaso mas higpitan nya pa ito.

"Kuya, sarado---"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang nilang tinakpan ng panyo ang ilong ko pagkatapos ay isinakay nila ako sa isang kulay itim ding van. Unti-unti ring umikot ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.

---

Pagkagising ko ay nakatali na ang mga kamay ko sa likod ko pagkatapos ay nakaputing bestida na rin ako. Wala na rin yung dalawang lalaking kumuha sa akin. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at inikot ang paningin ko. Napakunot ang noo ko nang mapagtantong nasa tapat ako ng puno ng balete kung saan ko hinatid yung cake kahapon.

Nasilaw ako dahil sa paparating na kotse. Huminto ito sa harap ko at bumaba yung mag-asawa kahapon. Akala ko sila lang pero may isa pang bumaba. Sisigaw na sana ako sa sobrang takot kaso pinigilan ko lang. Nakakatakot kasi yung mukha niya. Nakasuot siya ng itim na cheongsam at geta. Tapos yung buhok niya ay parang katulad ng hairstyle ni Pucca. Meron din siyang kulay itim na belong nakasaklob sa mukha niya. Mukha tuloy siyang mistress na nakikiagaw eksena sa burol ng kabit nya.

"Sino kayo?! Bakit nyo ako dinala dito?! Kung gagahasain nyo ako, wala kayong mapapala sa akin. Flat chested ako at lalong hindi ako sexy!" nagtatapang-tapangan kong sabi. Baka kasi matakot sila sa akin at pakawalan nila ako.

Lumapit sa akin yung babaeng may belong itim tapos ay hinawakan niya ang baba ko at sinuri ang mukha ko.

"Hmmm. Maganda ang babaeng ito. Kaya naman pala nagustuhan ng anak niyo." Saad niya sabay ngisi.

"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo, Pung Suy?" tanong nung mag-asawa.

Pung Suy? Pung Suy ang pangalan niya? Nakngtokwa! Pang-horror movie yung pangalan niya!

"Oo." Tipid niyang sagot.

"Ano bang sinasabi nyo? Pakawalan nyo na nga ako!" sigaw ko.

Bigla na lang humalakhak si Pung Suy pagkatapos ay umupo siya sa harap ko.

"Maupo na kayo, Conrad at Evy. Sisimulan na natin ang seremonya."

Agad namang umupo yung mag-asawa. Hugis bilog ang pagkakaupo nilang tatlo at ako ang nasa gitna. Naghawak kamay sila pagkatapos ay pumikit sila at tila bulateng nangisay si Pung Suy.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon