[13]

7K 344 60
                                    

(ARIN'S POV)

"May lagnat ka pa?" tanong ko kay Ceena na nasa kabilang linya habang nakatingin ako sa labas.

Pauwi na ako ngayon at naisipan kong tawagan si Ceena para kamustahin. May lagnat kasi ang bruha kaya hindi nakapasok sa trabaho.

"O-Okay *atsu* lang naman *atsu* a-ako." Putol-putol niyang sabi habang ubo ng ubo.

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya. Okay lang daw pero ubo ng ubo.

"Sigurado ka? Uminom ka na ba ng gamot?"

"Yup."

"Gusto mo puntahan kita?"

"Wag na."

"Sure?"

"Yeah. Sige na, Arin. Matutulog na ako. Ingat ka sa pag-uwi mo."

"Okay. Magpagaling ka ha?"

"Oo. Para sa'yo."

Napangiti ako dahil sa sinabi niya. Natomboy na ata kaibigan ko sa akin. Joke!

Inend ko na ang tawag pagkatapos ay itinuon ko na lamang sa kalsada ang tingin ko at bigla na lang napakunot ang noo ko nang makita ko si Blitz na kinakausap ng isang traffic enforcer. Hindi ko na lamang dapat siya papansinin pero nung makita kong nakasimangot yung mukha nung traffic enforcer, dun na ako nagdesisyong bumaba.

"Kuya, hanggang dito na lang po ako." Sabi ko sa driver ng taxing sinasakyan ko.

Agad namang inihinto ng driver yung taxi. Pagkatapos kong magbayad ay bumaba na ako at lumapit sa kinaroroonan ni Blitz.

"Blitz!" tawag ko sa kanya pero parang hindi niya ata ako narinig dahil nanatili lamang siyang nakayuko.

Nang makalapit ako sa kanya, tinap ko ang balikat niya pero hindi niya pa rin ako pinapansin.

"Ma'am, kakilala nyo po ba 'to?" inis na tanong sa akin nung traffic enforcer.

"A-ah---"

"Ma'am, baka pwedeng ihatid mo na po 'tong kaibigan nyo? Ayaw nya po kasing umalis dito. Bawal pong mag-park dito ng kotse. Ang laki-laki na nga po ng signboard hindi pa rin niya maintindihan. Pinakiusapan ko na rin po siyang umalis kaso dahil lasing siya, hindi po siya nakikinig. Nakakaperwisyo na rin po siya ng mga tao kasi kada may dadaan sinisigawan niya."

"P-Pero p-po---"

"Sige na ma'am. Baka po mamaya madampot pa siya ng mga pulis na nag-iikot." Dagdag pa nung traffic enforcer pagkatapos ay tinalikuran na ako.

Tiningnan ko si Blitz na nakatungo pa rin. Mahina ko siyang tinapik at napahinga ako ng maluwag ng mag-angat siya ng tingin sa akin pagkatapos ay ngintian niya ako.

"Blitz---"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong niyakap at isinubsob ang mukha niya sa leeg ko. Sinubukan ko siyang ihiwalay sa akin kaso mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Justin."

Nanigas ako dahil sa sinabi niya. Tama ba ako ng narinig? Binanggit niya yung pangalan nung lalaking kasama nya noong nagdaang araw?

"Justin." Pag-uulit niya.

Pakiramdam ko dinurog ang puso ko dahil sa mga narinig ko at nagbabadya na rin ang luha sa mga mata ko. Kaya ba siya nagkakaganito ay dahil kay Justin?

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now