[15]

6.8K 327 58
                                    

(ARIN'S POV)

"Arin, may naghahanap daw sa'yo sa labas." Sabi ni Joseph habang nakadungaw sa may kitchen.

"Nako Joseph! Ang aga-aga nantitrip ka na naman!" hiyaw ko sa kanya.

"Tingnan mo 'to. Mukha ba akong nagbibiro? May naghahanap nga sa'yo. Nasa may table 8!" tila bata naman niyang pahayag.

"Kapag talaga niloloko mo lang ako, sinasabi ko sa'yo kukurutin ko talaga yang singit mo!" banta ko sa kanya bago lumabas ng kitchen at pumunta sa table 8.

Pagkadating ko doon, may nakita akong lalaking nakaupo na kampanteng-kampanteng nainom ng kape habang ineenjoy ang mga tingin na ibinibigay sa kanya ng mga babae sa paligid.

"Ahmm, sir hinahanap nyo raw po ako?" magalang kong tanong.

Sino naman kaya ang isang 'to at hinahanap ako?

Ibinaba muna niya ang tasa ng kape na iniinom niya pagkatapos ay tiningnan niya ako at nginitian.

"Oo. Actually, matagal na kitang hinahanap."

Ano daw?

"Kamusta?" simpleng tanong niya dahilan para magsalubong ang mga kilay ko.

At bakit niya tinatanong kung kamusta na ako? Close ba kami ng isang 'to?

"Alam kong gwapo ako pero hindi mo naman ako kailangang tingnan ng ganyan." Nakangiting sabi niya habang isa-isang kinikindatan ang mga babaeng kinilig sa sinabi niya.

Napailing ako pagkatapos ay napakamot ako sa batok ko. Nakahithit ata ng katol ang isang 'to.

"Sir, kung wala naman po kayong magandang sasabihin sa akin, mas mabuti po siguro kung babalik na ako sa kusina. Marami pa po kasi akong ginagawa." Paalam ko pagkatapos ay tumalikod na.

"Aray! Sir? Sir ang tawag mo sa akin? Ang sakit mo naman magsalita!"

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakahawak siya sa dibdib niya na akala mo'y inaatake siya sa puso.

"Po?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Ngumiti na naman siya pagkatapos ay ipinatong niya ang ulo niya sa mga kamay niya at tila nagpapacute sa akin.

"Ilang taon na ang lumipas, hindi mo man lang ba ako na-miss?"

Napairap ako sa sinabi niya. Trip ba ako ng isang 'to? O baka naman nasa Wow Mali ako ngayon at tinetest nila ang pasensya ko?

"Sorry sir pero hindi kita kilala kaya bakit kita mami-miss?" inis kong tanong sa kanya.

"Grabe ka naman magsalita! Alam kong gumwapo ako ng sobra pero ako pa rin 'to."

Napairap na naman ako dahil sa kahanginan niya. Mukhang magkakabagyo na naman ata sa Pilipinas.

"Sir, aalis na po ako." Pasuko kong sabi pagkatapos ay tumalikod na ulit at nagsimulang maglakad.

"Aalis ka pa rin ba kung sasabihin kong nagbalik na ako ... Venice?"

Napahinto ako sa paglalakad at tila nabato sa kinatatayuan ko dahil sa pagbanggit niya sa pangalawang pangalan ko. Isang tao lang ang tumatawag sa akin nun!

Dahan-dahan akong napalingon sa kanya at sinuri ang mukha nya. Imposibleng mangyari yun. Patay na siya!

"P-Paano mo nalaman ang p-pangalan ko?" gulong-gulo kong tanong sa kanya.

MARRIED TO A GAY GHOSTWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu