[18]

6.9K 301 53
                                    

(ARIN'S POV)

"Arin! Bumangon ka nga dyan!" bulyaw sa akin ng walang modo kong kuya habang inaalog-alog ang kama ko.

Sa sobrang inis ko sa kanya ay bumangon ako at tinulak siya dahilan para mapasalampak siya sa sahig.

"Ano bang problema mo?! Magpatulog ka nga!" inis kong bulyaw sa kanya.

Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa sahig at pinagpag ang puwet niyang nadumihan pagkatapos ay nakabusangot ang mukha na lumapit sa akin.

"May naghahanap nga kasi sa'yo!" iritado niyang sabi.

"Wala ako sa mood makipaglokohan sa'yo ngayon kaya utang na loob lumabas ka na!" sabi ko at akmang itatalukbong na ang kumot sa mukha ko kaso mabilis niya akong napigilan.

"Meron nga kasi." Pangungulit niya.

"Walang bibisita sa akin ng ganito kaaga."

"Paano mo malalaman kung hindi ka lalabas?"

"Paano kung niloloko mo lang ako?"

Bumuga siya ng hangin dahil sa sinabi ko pagkatapos ay lumapit siya sa akin at binuhat ako.

"Teka? Anong ginagawa mo?" tanong ko habang nagpupumiglas.

"Dadalhin ka sa labas para maniwala ka na may naghahanap sa'yo sa baba. At hindi ko akalaing magagawa mo yun lil sis. Akala ko pa naman disente kang babae. Tsk. Tsk."

"Hoy! Ano bang sinasabi mo dyan ha?!"

Hindi niya ako sinagot bagkus ay nagmartsa na siya palabas ng kwarto ko habang buhat-buhat ako. Pagkalabas na pagkalabas namin sa kwarto ko, ibinagsak na niya ako sa sahig at nginisihan.

"Asikasuhin mo bisita mo." Sabi niya pagkatapos ay pinagsaraduhan na ako ng pinto ng kwarto.

Napailing na lang ako habang hinihimas-himas ang pwet ko. Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na dinaig pa ata ang takas sa mental?

Wala na akong nagawa kundi ang bumaba sa sala at tingnan kung sino yung bisita ko kuno na sinasabi ng dakila kong kapatid.

Pagkababa ko, agad na nanlaki ang mga mata ko nang makita si Blitz na nakaupo sa sofa habang may hawak na tasa ng kape at prenteng-prenteng nagbabasa ng magazine.

"A-Anong g-ginagawa mo dito?!" gulat na gulat na tanong ko habang nakaduro ako sa kanya.

Nag-angat siya ng tingin at nginitian ako. Ibinaba muna niya ang tasa at magazine na hawak niya bago ako sagutin.

"Gising ka na pala." Ngiting-ngiti niyang sabi.

Lumapit ako sa kanya at pumamewang sa harap niya.

"Bakit ka nandito?!"

Natawa siya dahil sa tanong ko pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

"Matapos mo akong halikan kagabi, iyan ang isasagot mo sa akin? Ni hindi mo man lang ako hinintay na magising mula sa pagkakahimatay. Umuwi ka na agad."

Mas nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. At kelan ko pa siya hinalikan? Sa pagkakatanda ko, siya ang humalik sa akin!

"Wag mo nga akong pinaglololoko---"

Naputol ang sasabihin ko nang maalala ko yung sinabi ni kuya kanina.

"At hindi ko akalaing magagawa mo yun lil sis. Akala ko pa naman disente kang babae. Tsk. Tsk."

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon