[24]

6.4K 310 42
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Alas kwatro pa lang ng madaling araw, gising na gising na ang diwa ni Arin. Hindi na siya makapaghintay na sumapit ang gabi dahil eksayted na siya sa magiging date nila ni Blitz. Matagal na niya itong pinakahihintay kaya naman walang mapaglagyan ang kanyang nadaramang kasiyahan.

Dahil inatake na naman ng kalandian si Arin, kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Blitz kahit na alam niyang tulog pa ito.

"Hello." Sabi ni Blitz mula sa kabilang linya na halatang antok na antok pa.

"Yung date natin mamaya wag mong kakalimutan ha? Hihihi." Tila kinikiliti namang pahayag ni Arin.

"Iyan ba ang dahilan kaya tinawagan mo ako?"

"Umm. Hindi."

"Ano pang sasabihin mo? Pakiusap Arin inaantok pa ako. Maaga pa ang pasok ko sa opisina mamaya."

"Sorry. Na-miss lang kita." Pabebeng sabi ni Arin.

Hindi sumagot si Blitz bagkus ay nanatili itong tahimik.

"Uy. Hindi ka na nakasagot? Nangisay ka na ba sa sobrang kilig?"

"In your dreams! Hindi ako kinilig. Inaantok ako. Gaga ka! Magpatulog ka nga."

"Eeeeeh. Hindi na ako makatulog eh. Gusto ko ng maggabi para date na natin."

"Mag-beauty rest ka muna bruha ka. Baka haggardo versoza ka mamaya sa date natin."

"Sige na nga. Matutulog na ulit ako. I love you Blitz!"

Pagkatapos sabihin ni Arin ay agad na niyang binaba ang tawag dahil alam naman niyang hindi sasagot ng "I love you too" si Blitz.

Niyakap niya ang unan niya at tila teenager na nagpapapadyak dahil sa sobrang kilig.

Pagsapit ng alas diyes ng umaga, pumunta na ng mall si Arin para mamili ng susuotin niyang damit at sapatos mamaya. Marami siyang magagandang damit sa closet niya kaso gusto niya ng bago dahil espesyal ang pupuntahan niya mamaya.

Sa kabilang dako naman, tambak ang paperworks ni Blitz sa opisina at mamaya-maya lamang ay may dadaluhan siyang meeting kasama ang board of directors ng kompanya nila. Pero sa hindi malamang dahilan, habang nagsusulat siya ay tingin siya ng tingin sa relo niya at tila sabik na rin sa date nila ni Arin. Napapangiti na lamang siya kapag naaalala niya ang pagtawag sa kanya ni Arin kanina. Kahit kasi may kakulitan ito, sa loob-loob niya ay natutuwa siya rito.

Mabilis lamang lumipas ang oras at sumapit na ang ikapito ng gabi. Bihis na bihis na si Arin. Nakasuot lamang siya ng pink na cutout midi dress na pinarisan niya ng black na pumps.

Nagpaikot-ikot siya sa harapan ng salamin na parang timang. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Blitz.

"Hello." Halata sa boses ni Blitz na pagod na pagod siya dahil sa tambak na gawain.

"Sa La Luxe Restaurant ha? 8:00 pm. Wag mo ako indianin bakla ka!"

Yun lamang ang sinabi ni Arin pagkatapos ay tinapos na niya ang tawag.

Samantala, nasa opisina pa rin si Blitz at kakatapos lamang niyang tapusin ang mga tambak na gawain. Pumunta siya sa kanyang bookshelf at bahagya itong inurong. Sa likod ng bookshelf na ito ay isang lihim na pintuan papunta sa isang hindi kalakihang kwarto. Dito siya madalas matulog kapag sobrang dami niyang ginagawa.

Kumuha siya ng polong susuotin sa kanyang closet at agad itong isinuot. Habang inaayos niya ang kanyang necktie, biglang nagdilim ang paningin niya dahilan para mapaupo siya sa kanyang kama. Napahawak siya sa ulo niya at napapikit dahil sa sobrang hilong nararamdaman. Sa kanyang pagpikit, may naaninag siyang babae at tinatawag siya nito. At kung hindi siya nagkakamali, boses ito ni Arin.

MARRIED TO A GAY GHOSTМесто, где живут истории. Откройте их для себя