[11]

6.5K 331 64
                                    

[ F L A S H B A C K ]

Pauwi siya nun galing sa trabaho. Pagod na pagod siya dahil sa tambak na gawain sa kanyang opisina. Gustong-gusto na niyang makauwi at makapagpahinga.Pero kahit na ganoon ay masaya pa rin siya dahil ilang araw na lamang ay pormal ng ipapasa sa kanya ang pagiging Chairman ng Winner Group. Matagal na niya itong pangarap kaya naman walang mapaglagyan ang tuwa niya ng sa wakas ay ipaubaya na ng tatay niya ang kompanya sa kanya.

Nasa kalagitnaan siya ng pagda-drive ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niya itong dinampot at napangiti siya ng makita ang numero ng ate niya sa screen ng cellphone niya.

"Hello ate. Bakit ka napatawag? Miss mo na naman ako no?" masayang wika niya.

"Nope. I just want to inform you that death is on his way now to get you." Tila demonyo namang saad ng ate niya mula sa kabilang linya.

Bigla siyang kinutuban kaya naman tinapakan niya ang brake ng kanyang sasakyan at hindi nga siya nagkamali dahil hindi ito gumagana.

"Teka? Anong ibig mong sabihin---?"

Hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil bigla na lamang siyang nasilaw sa paparating na kotse dahilan para ilihis niya ang kanyang sasakyan at sumalpok ito sa isang puno ng balete. Nayupi ang unahan ng kanyang sasakyan at malakas na tumama ang ulo niya sa manibela at agad na umagos ang sariwang dugo sa kanyang ulo.

Sa kabilang dako naman, takot na tinitingnan ni Senso ang sunod-sunod na pagtulo ng gasolina mula sa sasakyan ni Blitz. Nakokonsensya siya sa nangyari. Hindi naman niya talaga 'to ginusto. Kung hindi lamang ooperahan ang anak nya ay hindi niya papatusin ang trabahong 'to.

Dala ng konsensya, bumaba si Senso ng sasakyan at lumapit sa kinaroroonan ni Blitz. Inilabas niya ito mula sa kotse at inihiga sa isang ligtas na lugar.

"Patawarin mo sana ako." Paghingi niya ng paumanhin pagkatapos ay nagsimula na siyang maglakad palayo.

Hindi pa man tuluyang nakakalayo si Senso nang sumabog ang kotse ni Blitz.

(3rd PERSON'S POV)

"Kamusta ... Ate Reese?" makahulugang tanong ni Blitz sa ate niya na ngayon ay nanginginig na dahil sa kabang nararamdaman.

"G-Gising k-ka na pala, Blitz." Pilit ngiting sabi ni Reese.

"Oo. Nagulat ka ba? Hindi mo ba inaasahang magigising pa ako?" nakakalokong tanong ni Blitz.

"A-Ano bang i-ibig m-mong sabihin? Syempre gusto kitang magi---"

"Stop the drama, Reese."

Nanlaki ang mga mata ni Reese ng hindi siya tawaging ate ni Blitz at naramdaman na lamang niyang hinawakan ng pulis ang mga kamay niya at pinosasan siya.

"T-Teka! A-Anong ginagawa nyo sa akin?" naghi-hysterical na tanong ni Reese.

"Inaaresto ka namin sa salang pagtatangka sa buhay ni Blitz Francisco." Ma-awtoridad na sabi ng pulis.

"Nagkakamali kayo! Hindi ko pinagtangkaan ang buhay ni Blitz. Blitz ipagtanggol mo naman ako! Mommy! Daddy!" pagmamakaawa niya.

Napailing si Blitz pagkatapos ay napangisi siya.

"Wala kayong ebidensya na ako ang nasa likod ng lahat ng ito!"

"Hindi pa ba sapat na ebidensya si Senso?" tanong ni Blitz habang nakaturo sa may pinto.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now