[8]

7.1K 327 75
                                    

(ARIN'S POV)

"OMG! Ang pogiiiiiiiiiiii~" tili ni Blitz habang tumatalon-talon at tinuturo yung doktor na nakasalubong namin.

Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay kinurot ko siya sa tagiliran at binulungan.

"Ang harot!" bulong ko sa kanya.

"Eh kasi naman inday ang pogi nung doktor!" sabi niya with matching paglagay pa ng kamay niya sa may bibig niya habang sinusundan pa rin ng tingin yung doktor.

Napailing na lang ako pagkatapos ay inirapan ko siya at akmang bubuksan ang pintuan ng kwarto niya ng biglang lumabas dito ang ate niya kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay bodyguard niya.

"Anong kailangan mo miss?" tanong sa akin ni Reese.

Agad akong napatingin kay Blitz na ngayon ay nakatingin na sa ate niya. Kinurot ko ang tagiliran niya para mapansin niya ako.

"Anong gagawin ko?" pasimpleng tanong ko sa kanya.

Umiling naman siya bilang sagot. Jusme! Puro kalandian kasi ang alam.

"Miss?" tanong ulit sa akin ni Reese.

"A-Ah b-bisitahin k-ko lang po yung lola ko." Utal-utal kong sabi habang may pilit na ngiti.

"Lola?"

"Opo. Kakilala nyo po ba ang lola ko? Bakit galing kayo sa loob ng kwarto niya?"

"Sorry miss. Pero maling room ata ang napuntahan mo. Kapatid ko ang naka-confine sa kwartong 'to." Paliwanag niya.

Umatras ako at kunwaring tiningnan ang room number pagkatapos ay ngumiti ako sa kanya.

"Hehehehe. Sorry po. Nagkamali nga ako. Pasensya na po. Akala ko po kasi dito ang room ng lola ko."

"Okay lang. Sa susunod mag-iingat ka. Maraming namamatay sa maling akala." Nakangiting wika niya sa akin.

"S-Sige po." Paghingi ko ulit ng paumanhin pagkatapos ay tumalikod na ako sa kanila at nagsimula ng maglakad.

"I'm going to meet my dad first bago ko gawin ang mga dapat kong tapusin." Narinig kong sabi niya sa bodyguard niya bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

Nagtago muna kami ni Blitz di kalayuan sa kanila at pinagmasdan lang namin sila ng bodyguard niya na naglalakad papalayo. Nang mawala na sila sa paningin namin, agad kaming pumasok sa kwarto ni Blitz.

"Ayos ka lang?" tanong ko kay Blitz na ngayon ay tulala na.

"Hoy!" sabi ko sabay pingot sa tenga niya.

"H-Ha?" naguguluhan niyang tanong.

"Ayos ka lang ba?"

"A-Ah oo. Nagulat lang ako na makita ko si ate dito. Na-miss ko na naman tuloy siya." Sabi niya sa malungkot na tono.

"Close talaga kayo ng ate mo no?"

"Yeah."

"Osya sige. Titigan mo na ulit yang sarili mo baka---"

"Jusme girl! Hindi talaga nila pinaganda yung mukha ko no? Ang chaka pa rin eh! I-email mo nga si Duterte at sabihin mong magpatupad ng batas na lagyan ng makeup ang mga pasyenteng comatose para naman umaliwalas ang mga mukha namin. Kahit very very light lang!" pagmamaktol niya sa akin.

"Ako ba pinaglololoko mo Blitz? Baka gusto mong ipaderetso ko na sa Funeraria yang katawan mo? May libreng makeup dun!"

"Masamang biro yan girl!" sabi niya habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa may dibdib niya.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now