[17]

6.9K 347 48
                                    


(3RD PERSON'S POV)

"Hello Blitz!"

"O, Jackson. Bakit ka napatawag? May resulta na ba sa pinapagawa ko?" tanong ni Blitz kay Jackson na nasa kabilang linya habang busy sa pagpirma ng iba't ibang mga dokumento.

"Oo. Madali lang naman kasi ang pinapagawa mong trabaho sa akin."

"So, anong resulta?"

"Magkapatid sina Arin at Caden."

Nahinto sa pagpirma si Blitz at napaangat siya ng ulo at napakunot ang noo.

"H-Ha?"

"Ang sabi ko magkapatid sila."

"T-Teka? Paano nangyari yun?"

"Ayon sa nakalap kong impormasyon, nagkahiwalay daw sila Arin at Caden dahil sa isang aksidente walong taon na ang nakararaan. Nagkaroon ng amnesia si Caden at mapalad na naampon ng mga Winston kaya hindi niya na nabalikan pa si Arin. Samantala, lumaki namang mag-isa si Arin. Sa ngayon, nakatira na sila sa iisang bahay."

Napatulala si Blitz sa mga narinig at walang pakundangang pinatayan ng tawag si Jackson. Inis niyang sinabunutan ang sarili niya at sumandal siya sa kanyang swivel chair.

"Magkapatid sila? Sh*t! Kung anu-ano pang sinabi ko kay Arin!" sabi niya sabay lamukos ng isang pirasong papel at ibinato ito.

---

Sa kabilang dako naman, pasipol-sipol na naglalakad si Caden papunta sa opisina ni Blitz nang bigla na lang niyang makita si Reese na papunta sa elevator. Agad siyang nagtago sa isang paso at inilabas ang cellphone niya at palihim na pinicturan si Reese.

"Oh man! Ang ganda talaga niya!" tila batang pahayag ni Caden habang patuloy pa rin sa pagkuha ng litrato kay Reese.

Nang makasakay na si Reese sa elevator, nakangiting brinowse ni Caden ang mga stolen shots niya kay Reese.

Maya-maya, biglang may kumalabit sa kanya dahilan para mag-angat siya ng tingin.

"Sir, ayos lang po ba kayo? Ano pong ginagawa nyo dyan?" tanong ng isang guard kay Caden.

"A-Ah. O-Oo. Hahahahahaha!" sabi ni Caden habang nagpepeke ng tawa at kinakamot ang kanyang batok.

"May pinulot lang ako. Hahahahaha. Sige. Aalis na ako." Paalam niya sa guard habang may pekeng ngiti.

Habang naglalakad ay muli niyang inilabas ang cellphone niya at tiningnan ang larawan ni Reese. Napangiti siya na parang kinikilig na ewan.

"Okay lang magtago sa likod ng paso kung may chicks naman akong makikitang kasing ganda ni Reese." Ngiting aso niyang sabi sa sarili.

---

[1 week later]

"Kuya, ayoko nga sabing sumama! Ikaw na lang kung gusto mo!" angal ni Arin sa kuya niyang busy sa pag-iimpake ng mga gamit niya sa loob ng traveling bag.

"Ano bang kulay ng bikini ang gusto mo? Pink o blue?" tanong ng kuya niya sa kanya habang nakataas ang dalawang bikini.

Sa sobrang inis niya, binato niya ng tsinelas ang kuya niya.

"Ayoko nga sabing sumama sa pool party pool party na yan!"

Napakamot sa batok niya si Caden at lumapit sa kapatid niyang tila nag-aalborotong bulkan.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now