[27]

7.6K 312 75
                                    

(ARIN'S POV)

Alas syete na ng gabi pero heto ako at nakatulala pa rin. Malungkot kong sinusuklay ang buhok ko habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. Akala ko magiging maayos na ang lahat matapos kong mapalad na mabunot ang blankong baraha. Akala ko muli kong mapapaibig si Blitz tulad ng dati pero nagkamali ako. Siguro nga ay kailangan ko na lang tanggapin na hindi talaga siya para sa akin. Kung patuloy ko pa ring ipipilit ang gusto ko, natatakot akong baka hindi lang ako ang masaktan sa bandang huli.

Binuksan ko ang drawer ko at kinuha ang tatlong red roses at ang letter na may nakasulat na 'I LOVE YOU MY WIFE' na ibinigay niya sa akin noon at ipinalaminate ko pa para hindi masira. Matagal ko 'tong tinitigan kasabay ng pag-alala ko sa mga masasayang alaala namin noon.

Tandang-tanda ko pa ang mga kabaklaan niya noon.

"Girl, tara punta tayong bar! Matagal ko ng hindi nararanasan mag-party party eh." Sabi niya habang ginagaya yung dance steps ng I.O.I sa Pick Me. Yung pataas-taas ang kamay na parang dinuduro yung langit.

"Bakeeeeeeeeet? Girl, bakeeeeet? Bakit ang chaka ng fes ko diyan. Like duh! Hindi man lang nila nilagyan ng light makeup. Kahit very very light lang!"

Tandang-tanda ko pa ang pantitrip niya sa akin tungkol sa true love's kiss.

"A-Anong g-ginagawa mo?" utal-utal kong sabi.

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mukha ko at inipit ito sa likod ng tenga ko.

"Hahalikan ka." Seryosong sabi niya dahilan para mamula ako.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Unti-unti ko ring ipinikit ang mga mata ko at handa na sana akong magkalapit ang mga labi namin nang biglang...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Ang epic ng fes mo girl!" sabi niya habang namumula na sa kakatawa.

Tandang-tanda ko pa ang gabing unang naglapat ang mga labi namin.

"Mas mabuti siguro kung uuwi na tayo. Maga-alas dose na rin kasi." Sabi ko pagkatapos ay nauna na akong maglakad kay Blitz papunta sa kalsada upang maghintay ng masasakyang taxi.

Dahil lutang ang pag-iisip ko, hindi ko namalayan ang isang paparating na kotse. Buti na lamang at mabilis akong nahatak ni Blitz dahilan para magkalapit ang mga katawan namin at aksidenteng maglapat ang mga labi namin.

Parehas kaming nabato sa kinatatayuan namin. Nanatiling magkalapat ang mga labi namin pero walang gumagalaw. Parehas kaming nagpapakiramdaman.

Tandang-tanda ko pa ang gabing hinalikan niya ako sa pagbabakasakaling maalala niya kung sino ang nagtangka sa buhay niya.

"Kailangan ulit kitang mahalikan." Walang pakundangan niyang saad dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko.

"T-Teka! Ano bang sinasabi mo?"

"Kailangan kitang mahalikan ulit. Baka sakaling malaman na natin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito."

"P-Paano ka naman nakakasiguro na dahil sa h-halik kaya k-ka nakakaalala?"

"Paano natin malalaman kung hindi natin susubukan diba?"

"Tigil-tigilan mo nga ako, Blitz! Nananantsing ka lang ata eh." Pagdadabog ko at akmang hihiga na ako kaso mabilis akong nahatak ni Blitz at agad na siniil ng halik.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now