[26]

7K 283 92
                                    

(ARIN'S POV)

Halos isang oras na akong nakatulala sa puting kisame ng kwarto ko pero hindi pa rin maalis ang inis na nararamdaman ko dahil sa nangyari kahapon. Kasalanan lahat 'to nung baklang yun eh! Nagtalukbong ako ng kumot at nagsisisipa sa hangin.

"Bwisit!" sigaw ko sabay bato ng unan ko.

"Nakakainis!" dagdag ko pa at bato ulit ng unan.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kasabay nang pag-alala sa mga nangyari kahapon.

F L A S H B A C K

"Woah! Ang cute." Manghang-manghang sabi ko nang magsimula na ang fireworks display.

Wala man lang akong nakuhang response mula sa baklang kasama ko kaya hinayaan ko na lang.

"Blitz ang ganda---" naputol ang sasabihin ko nang paglingon ko ay nakita ko siyang seryosong nakatingin sa akin.

"May problem ba Blitz?" tanong ko pero hindi siya sumagot bagkus ay lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"May gusto ka bang sabihin, Blitz?"

Lumapit siya sa akin at bumulong pero hindi ko naman ito naintindihan dahil sa dumadagundong na tunog ng mga paputok.

Tatanungin ko sana siya kung ano ang sinasabi niya pero nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinalikan. At tulad ng dati, bumilis na naman ang tibok ng puso ko at nanatiling dilat ang mga mata ko habang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.

Gusto ko sana siyang itulak palayo sa akin dahil sobrang daming tao sa kinaroroonan namin at baka pag-isipan kami ng masama pero hindi ko nagawa dahil kusa nang gumapang ang mga kamay ko papunta sa batok niya at doon ito ipinulupot. Dahan-dahan ko na ding ipinikit ang mga mata ko at tinutugon ang halik niya.

Hinatak ko pa siya papalapit sa akin para mas magkalapit pa kami kaso bigla na lamang siyang tumigil sa paghalik at lumayo sa akin.

"B-Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"S-Sorry." Sabi niya sabay yuko.

"S-Sorry A-A-Arin. H-Hindi ko sinasadya." Dagdag pa niya.

"Pero---"

"S-Sorry t-talaga."

Pagkatapos nang pangyayaring yun, hindi na kami muling nag-imikan sa buong byahe namin at hanggang ngayon ay wala man lang akong natatanggap na text o tawag sa kanya.

Matapos niya akong halikan kahapon bigla na lang siyang magsosorry. Ano bang ka-sorry sorry dun eh gustong-gusto ko nga yung ginawa niya. Badtrip talaga yung baklang yun!

"Ganun na ba talaga siya kabakla kaya pati ang paghalik sa isang babae ay kailangan niya pang ihingi ng sorry?" tanong ko sa sarili ko habang kinukurot-kurot ang unan na katabi ko.

Nasa ganoon akong posisyon nang maisip kong kailangan ko siyang puntahan para tanungin kung bakit niya ginawa yun.

"Baka naman may gusto na sa akin yung baklang yun at nahihiya lang magsabi?" tanong ko ulit sa sarili ko.

"Pwes, tutulungan kitang umamin Blitz!" dagdag ko pa sabay tayo at tumungo na sa CR para maligo.

---

Papasarado na sana ang elevator nang biglang may pumigil dito at napataas ang kilay ko nang makitang si Ivy ito. Paekis-ekis siyang naglakad papasok sa loob ng elevator na akala mo ay kasali siya sa isang beauty pageant. Dinaig pa ng lakad niya ang tsunami walk ni Shamcey Supsup at cobra walk ni Janine Tugonon.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now