[16]

6.9K 332 86
                                    

(A//N: Kamusta mga bes? Matagal-tagal din tayong hindi nagkita. Hahahaha. Sorry sa late update. Sisihin nyo yung PLDT. Ang tagal ibalik internet namin. Nagbayad naman kami L Osya sige. Basa na mga bes! Enjoy :* )

(3rd PERSON'S POV)

"Arin, ready ka na ba?" tanong ni Caden sa kapatid na nilamon na ata ng sistema dahil sobrang tagal sa loob ng kwarto.

"Sandali!" sigaw naman ni Arin.

Maya-maya lang ay lumabas na si Arin at halos bumagsak ang panga ni Caden ng makita ang suot ng kapatid.

"A-Arin, a-ano yang suot mo?" tila shungang tanong ni Caden kay Arin.

Tiningnan naman ni Arin ang suot niyang white loose t-shirt na may naka-imprentang mukha ni Youngjae ng Got7. Naka-insert ang harapan ng t-shirt niya sa ripped jeans niya at naka-black converse naman siya bilang sapatos.

"Anong mali sa suot ko?" naguguluhang tanong niya sa kuya niya na ngayon ay nakatulala sa kanya tapos ay bigla itong tumawa na tila nayayamot na ewan.

"Tinatanong mo ako kung anong mali sa suot mo? Tinatanong mo ba talaga ako?"

"Eh bakit ganyan ka makatingin sa suot ko?"

"Jusko naman, Arin! Simple lang. Ang panget kasi ng suot mo! Baka isipin ng mga tao mamaya sa mall na katulong kita. Nag-dress ka man lang sana para pumantay yang kagandahan mo sa kagwapuhan ko." Inis na inis na sabi ni Caden kay Arin.

"Okay na 'to!" tila bata namang angal ni Arin.

"Hindi. Hindi tayo aalis hangga't hindi ka nagpapalit ng damit."

"Ayoko nga sabi eh!"

"Edi hindi tayo aalis. Maiwan ka dito. Papasok na lang ako sa opisina." Seryosong sabi ni Caden at akmang tatalikod na kaso mabilis siyang napigilan ng kapatid niya.

"Okay! Magpapalit na ako. Kung hindi ko lang talaga na-miss na gumala kasama ka, hindi ako magpapalit ng dress. Tss!" sabi ni Arin pagkatapos ay padabog na pumasok sa loob ng kwarto niya at nagpalit.

---

Matapos ang mahabang bangayan, wala ring nagawa si Arin kundi ang suotin ang black na off the shoulder skater dress na isa sa mga dress na nakalagay sa closet niya. Pinarisan na lang niya ito ng itim ding platform heels.

Samantala, ngiting aso naman si Caden nang makitang sinunod siya ng kapatid. Taas noo siyang naglalakad sa mall na tila ba ipinagmamayabang ang taglay niyang kagwapuhan. Maya-maya ay bigla siyang tumigil at hinarap ang kapatid niya na hirap na hirap sa suot na heels.

"Mag-coffee muna tayo. Para maipagpahinga mo yang mga paa mo at..." huminto siya saglit at lumapit sa kapatid para bumulong "para makahanap na rin ako ng bagong idedate."

Tinapunan ni Arin ang kapatid niya ng isang matalim na tingin kaso tinawanan lang siya ni Caden bilang sagot at hinatak siya papasok sa coffee shop na nasa tapat lang nila.

Pagkapasok nila doon, iniwan muna ni Caden si Arin sa isang bakanteng table at siya na ang pumunta sa counter para umorder habang sumesegway ng pagpapacute sa mga babaeng nakikita niya.

Sa kabilang dako naman, pumasok din sina Justin at Blitz sa mismong coffee shop na pinasukan nina Arin at Caden. Umupo sila di kalayuan sa table na kinaroonan ni Arin kaya naman nahagip siya ng paningin ni Blitz.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now