[25]

6.7K 341 76
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Tanghaling tapat na nang magising si Blitz. Nakita niya sa sofa di kalayuan sa kanya ang kapatid niyang si Reese na mahimbing na natutulog. Napangiti na lamang siya nang makitang ang ate pala niya ang nagbantay sa kanya.

Wala siyang balak gisingin ito kaso mukhang naramdaman ata nito na gising na siya kaya awtomatikong dumilat ang mga nito at alalang-alala itong lumapit sa kanya.

"Kamusta naman ang pakiramdam mo? Okay ka lang ba? Sobra ang pag-aalala sa'yo nina mommy at daddy. Gustuhin man nilang pumunta dito kaso hindi nila magawa dahil nasa London sila ngayon." sabi sa kanya ni Reese.

Tiningnan niya ang magkabilang braso niya na may tig-dalawang gauze bandage.

"Ano bang nangyari at sumalpok ka sa puno ng balete? Mabuti na lamang at minor cuts lang ang natamo mo." Dagdag pa ni Reese.

Huminga muna siya ng malalim bago sumagot.

"Hindi ko din alam ate. Naguguluhan din ako. Nagmamaneho ako nun tapos wala akong nakakasabay na sasakyan. Kahit anino ng mga sasakyan wala akong makita. Tapos kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko kaso wala ito doon. Nakita ko 'to sa ibaba ko kaya sinubukan kong damputin kaso naramdaman kong parang may tumulak sa sasakyan ko at sumalpok ako sa puno ng balete. At nang bago ako isakay sa ambulansya, nagulat ako dahil may mga sasakyan ng dumadaan at pinagkakaguluhan na din ako ng mga tao."

Umupo sa tabi niya ang ate niya at hinawakan ang mga kamay niya.

"Yun ang puno kung saan ka naaksidente noon."

"H-Ha?"

"Hindi mo na ba natatandaan? Dook ka din naaksidente noon."

Napatulala si Blitz dahil sa sinabi ng ate niya. Ngayon niya lang naalala na doon din siya naaksidente dati.

"May pagkakataon ba Blitz na nararamdaman mong parang may nawawala kang alaala?" seryosong tanong ni Reese kay Blitz.

"Bakit ate?"

"Pakiramdam ko may nawawala akong memorya. Noong bago ako mahuli ng mga pulis, nagising ako sa lumang subdivision na tinitirhan namin dati ng nanay ko. Kasama ko noon ang mga utusan ko at ang hindi ko maintindihan, bakit wala akong maalala na pumunta kami dun? Pati sila ay wala ding maalala. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung bakit kami naroon ng araw na yun. Hanggang ngayon ay nananatili itong misteryo sa akin."

Mas humigpit ang hawak ni Reese sa mga kamay ng kapatid matapos niyang sabihin ito.

"Ate,pakiramdam ko may nawawala rin akong memorya. At sa memoryang iyon, asawa ko si Arin."

"Ha?" gulong-gulong sabi ni Reese.

"Hindi ko pa sigurado ate pero kailangan kong alamin. Pakiramdam ko ay sinadyang burahin ang mga alaala natin. Kailangan kong tuklasin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito at bakit niya 'to ginawa."

Tumango na lamang si Reese bilang sagot pagkatapos ay nginitian niya ang kapatid.

"Maaaring makalimot ang utak pero hindi ang puso. Kaya siguro hindi mo na magawang magpakabakla ulit tulad ng dati ay dahil may nagmamay-ari na ng puso mo at walang iba kundi si Arin." Sabi ni Reese sabay ayos sa magulong buhok ni Blitz.

Ngumiti muna si Blitz bago muling nagsalita.

"Pangako ate, aalamin ko ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa atin."

Dahil minor injuries lamang ang natamo ni Blitz, agad siyang nakalabas ng ospital at dumiretso siya sa kanyang opisina para tapusin ang mga reports na kailangan niyang reviewhin at ang mga dokumentong kailangan niyang lagdaan.

MARRIED TO A GAY GHOSTWhere stories live. Discover now