[20]

6.7K 324 39
                                    

(A//N: Kamusta mga beks? Long time no update! Cheret! HAHAHAHAHA. Sinong Kpopper ditey? Comment down. May itatanong lang akes. By the way, gumawa nga pala ako ng FB account para sa account ko dito sa Wattpad. Add nyo ako mga bakla. Search niyo lang Yoo Ackerman lalabas na yun. Kung anong DP at cover photo ko dito sa wattpad ganun din sa FB. Para habang wala pa akong UD, mag-chikahan muna tayis sa FB! Osya sige basa na mga bes! Enjoy~)  


(ARIN'S POV)

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang puting-puting paligid. Dahan-dahan akong bumangon at inikot ang paningin ko kasabay ng mahinang pag-alog sa ulo ko.

"Nasa ospital ako?" bulong ko sa sarili ko.

Tiningnan ko ang kamay ko at may nakasaksak na dextrose dito. Maya-maya'y bumukas ang pinto at niluwa nito ang nag-aalalang si Blitz.

"G-Gising ka na pala." Sabi niya habang lumalapit sa akin.

Dahil sa ginawa niyang paglapit, unti-unti ko nang naalala ang mga nangyari kanina. Kaya naman mabilis ko siyang tinanong kung nasaan ang kapatid ko.

"N-Nasaan si kuya? Okay lang ba siya? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod kong tanong sa kanya.

Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos ang ulo ko.

"Nasa ICU ang kuya mo at kasalukuyang inoobserbahan ng mga doktor. Malala ang tinamo niyang sagot at hanggang ngayon ay hindi pa siya---"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Agad akong bumaba sa kama ko at tinanggal ang dextrose na nakakabit sa akin.

"T-Teka! Anong ginagawa mo?"

"Kailangan kong puntahan si kuya. Kailangan niya ako ngayon." Sabi ko at akmang lalabas na ng kwarto kaso mabilis akong nahawakan ni Blitz sa braso.

"Pero kailangan mong magpahinga---"

Mabilis kong tinanggal ang mga kamay niyang nakakapit sa akin at binigyan siya ng isang matalim na tingin.

"Madali lang sabihin sa'yo yan dahil wala ka sa posisyon ko!" sigaw ko sa kanya at tinalikuran na siya.

Agad akong pumunta sa kwartong kinaroroonan ni kuya. Sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakasarado ito kaya nakuntento na lamang akong sumilip sa maliit na bintana sa pinto na gawa sa salamin.

Mula sa labas ay nakita ko si Kuya Caden. Wala pa rin siyang malay at maraming aparato ang nakakabit sa kanya. Dalawang doktor ang nasa loob at dalawang nurse. May mga isinusulat sila sa isang papel na nakaipit sa clipboard. Hindi ko nakikita kung ano yun pero alam kong naglalaman ito ng mga obserbasyon nila kay kuya.

Hindi ko namalayan na sunod-sunod na palang tumutulo ang mga luha sa pisngi ko. Kung hindi lamang hinarang ni kuya ang balang dapat sa akin, wala sana siya dyan ngayon. Ako sana ang nandyan. Sa sobrang pait ng mga pinagdadaanan ko ngayon, mas gugustuhin ko pang ako na lang ang mapunta sa kritikal na kondisyon.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka mawala rin sa akin si kuya. Nawalan na nga ako ng mga magulang pati ang pag-asa kong makapiling si Blitz nawala na rin. Wag naman sanang pati ang kapatid ko ay mawala pa sa akin. Sa kanya na lang ako humuhugot ng lakas.

Napatingin ako sa likuran ko nang maramdaman kong may humahaplos dito. Nakita ko si Blitz na matamang nakatingin sa akin at seryosong hinihimas ang likod ko.

"Tahan na." sabi niya.

"Mas mabuti siguro kung magpapahinga ka muna. Alam kong yun din ang gusto ng kuya mo."

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon