[10]

7.3K 323 63
                                    


(ARIN'S POV)

Halos mapunit na ang bibig ko sa sobrang lapad ng ngiti ko. Ito ata ang unang beses na pumasok ako sa trabaho na sobrang saya. May patalon-talon pa ako habang tinutungo ang locker room.

Noong nasa locker room na ako, hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari kaninang umaga.

[ F L A S H B A C K ]

"Arin." Tawag sa akin ni Blitz.

"Hmmmm?" sabi ko naman sa inaantok na tono.

"Bumangon ka na diyan. Baka malate ka sa trabaho mo."

"Five minutes pa." halos pabulong kong sabi sa kanya.

"Bumangon ka na kasi diyan. Ang tagal mo pa namang maligo."

Napakamot ako sa ulo ko at inis na bumangon pero agad ding nawala ang inis ko ng makita ang isang bed tray table na nakapatong sa kama. Nakalagay dito ang dalawang egg sandwich at tsaka isang baso ng gatas at tatlong piraso ng red roses.

Gulong-gulo akong napatingin sa kanya at ang loko nginitian ako sabay kinindatan.

"Mag-almusal ka na." nakangiting sabi niya sabay kurot sa magkabilang pisngi ko.

"Sige maliligo na ako." Dagdag pa niya pagkatapos ay tumayo na siya at pumasok na sa CR.

Pinagmasdan ko ang almusal na ginawa niya pagkatapos ay kinuha ko ang tatlong red roses at kumalabog ang puso ko ng may malaglag na letter na ang nakalagay ay 'I LOVE YOU MY WIFE.'

"Jeske! Enebeng genewe ke pere pekelegen nye eke neng genete!" pabebe kong sabi habang iniipit ang buhok ko sa likod ng tenga ko.

"Hoy! Bakit ka nakangiti dyan?" tanong sa akin ni Ceena sabay siko sa tagiliran ko.

Nabalik sa realidad ang pag-iisip ko dahil sa ginawang iyon ni Ceena.

"Ngayon lang kita nakitang ganyan kasaya. Anong meron?" pang-uusisa niya sa akin.

Mas napangiti naman tuloy ako pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at may ibinulong.

"Kilala mo ba si Blitz Neon Francisco?"

"Oo. Hindi ba't siya ang susunod na Chairman ng Winner Group kaso naaksidente siya last year kaya kasalukuyan siyang comatose at isa siya sa mga regular customer natin dati. Bakit mo naman naitanong?"

"Paano kung sabihin ko sa'yong mag-asawa kami---"

Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ng bigla akong itulak ni Ceena pagkatapos ay pinitik niya ang noo ko.

"Nababaliw ka na naman Arin. Comatose yung tao tapos bakla pa kaya paanong magiging mag-asawa kayo?"

Imbes na mainis sa ginawa niyang pagpitik sa noo ko, natawa lang ako sa reaksyon niya.

"Nakikita ko ang kaluluwa niya---"

At hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko dahil kinurot niya ang tagiliran ko.

"Katol pa, Arin. Tsk! Diyan ka na nga. Kung anu-ano sinasabi mo." Sabi niya habang nakamot sa ulo niya at padabog na lumabas ng locker room.

---

"Napatay mo na ba ang mga ilaw sa kitchen?" tanong sa akin ni Ceena habang busy sa pag-aayos ng mga upuan.

"Yup." Masigla ko namang sagot ko sa kanya.

MARRIED TO A GAY GHOSTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora