[23]

6.7K 312 68
                                    

(A//N: So first of all, nag-update ako kasi ang pogi at ang hot ni Jaebum at unti-unti niyang sinisira ang wagas kong pagmamahal kay Youngjae. Lol. Hahahahaha. Nababaliw na naman ako. Pasensya na. Osya sige! Basa na mga bes. Enjoy~)

(ARIN'S POV)

"Nasaan ka na ba?" tanong sa akin ni kuya mula sa kabilang linya.

Tiningnan ko muna ang maliit na piraso ng papel na hawak-hawak ko.

"Mommy's Kitchenette." Bulong ko sabay tingala sa pintuan ng katapat kong restaurant at napangiti ako ng mabasa mula dito ang Mommy's Kitchenette.

"Nandito na ako." Sabi ko sa kapatid kong panigurado ay nausok na ang ilong kakahintay sa akin.

"Okay. Pumasok ka na. You're 30 minutes late." Pagkatapos niyang sabihin yun ay binabaan na ako ng tawag.

Bago ako tuluyang pumasok, inayos ko muna ang dress na suot ko pati na rin ang buhok kong medyo magulo pa dahil sa kakamadali. Bigla-bigla na lang kasi akong tinawagan ng magaling kong kapatid at sinabing sa labas kami magdi-dinner kasama ng mga naging kakilala nilang negosyante sa expo na dinaluhan nila.

Pagkapasok ko ay agad na kumaway sa akin si kuya. Lumapit ako sa table na kinaroroonan nila at nakita ko ang tatlong lalaki at dalawang babae na pare-parehong elegante tingnan. Bale pito na silang nandun sa table. Pero agad na nag-init ang ulo ko ng makita ko yung isang babae na nasa tabi ni Blitz at take note, sobrang revealing ng suot ni ateng. Labas na labas ang dibdib niya. Hiyang-hiya ang lamig ng klima ng Baguio sa suot niya.

Inalok ako ni kuya na umupo sa tabi niya. Ineexpect ko pa namang sa tabi ako ni Blitz uupo kaso okupado na din ang katabi niyang upuan nung isa sa mga lalaki kaya no choice ako kundi umupo sa tabi ni kuya na katapat ni Blitz.

Nanatiling nakatayo si kuya pagkatapos ay ipinakilala ako sa mga kasama nila.

"So this is my little sister. Arin, sila nga pala sina Mark, Leo, Brian, Irene at Ivy. "

So, Ivy pala yung pangalan ni ateng katabi ni Blitz?

"You two are both good looking." Puri sa amin nung Mark.

"Well, it's running in our blood." Mayabang namang tugon ng kapatid ko.

Inayos ko ang buhok ko dahil pakiramdam ko humangin ng malakas dahil sa sinabi ni Kuya.

Pagkaupo ni kuya, saktong dumating na rin ang inorder nila. At talagang inorder na ako ng magaling kong kapatid. Mabait din naman pala 'to paminsan-minsan.

"What can you say about the expo?" tanong nung Irene kay kuya.

"Ahmm, I think it's one of the best expo that I've ever attended." Cool namang sagot ni kuya.

"How about you Blitz?"

Napatingin ako kay Blitz at kitang-kita ko kung paanong sinasadya ni Ivy na idikit ang dibdib niya sa braso ni Blitz.

"I really enjoyed the expo. I'm really fond of attending this kind of event."

"I really enjoyed the expo too lalo na't nakilala ko pa si Blitz." Malanding pahayag ni Ivy dahilan para magtawanan yung mga kasama nila at nakisabay pa ang damuho kong kapatid.

Kung sila masaya, ako naman nag-uupos na sa galit. Mahigpit kong hinawakan ang hawak kong tinidor para pigilan ang inis na nararamdaman ko. Mahirap na baka mag-iskandalo ako dito. Ayoko namang mapahiya ang kapatid ko.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon