[4]

8.5K 368 50
                                    

(ARIN'S POV)

"Saan punta mo, girl?" tanong sa akin ni Blitz nang makita niya akong nagsusuklay ng buhok.

"May pasok ako ngayon sa trabaho."

"Papasok ka?"

"Ay hindi. Matutulog ako." Pamimilosopo ko sa kanya.

"Girl naman eh! Hindi ba pwedeng dito na lang tayis? Na-miss ko talaga 'tong unit ko." Pakikiusap niya sa akin habang nagpapagulong-gulong sa kama niya.

"Edi maiwan ka dito."

"Eeeeh. Hindi nga tayo pwedeng maghiwalay diba? Kung nasaan ka dapat nandun din ako."

"Yun naman pala eh. Edi no choice ka kundi sumama sa akin."

"Enebeyen. Gusto kong mag-beauty rest." Sabi nya habang nangingisay.

"Bahala ka sa buhay mo. Basta papasok ako sa trabaho. Pinuwerhisyo mo na nga buhay ko pati trabaho ko papakielaman mo pang bakla ka!" kuda ko naman habang nagsusuot ng sapatos.

"Zsa Zsa Padilla na nga! Sasama na akembang sa'yo. No choice naman akes. Maliligo lang ako." Sabi niya at akmang papasok na sa C.R kaso hinatak ko siya pabalik.

"Anong sabi mo?" iritado kong sabi sa kanya.

"Maliligo muna ako. Bakit may problema----"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil binatukan ko na siya ng pagkalakas-lakas.

"Aray naman be! Muntik ng mag-flylalu yung ulo ko sa lakas mong mambatok!"

"Bakit ka pa kasi maliligo? As if naman may makakakita sa'yo." Litanya ko habang nakapameywang.

"Eeeeeeeh. Ang baho ko na kaya!" pagmamaktol niya.

"Para namang may makakaamoy sa'yo!"

"Kahit na!"

Napasapo ako sa ulo ko dahil sa kaartehan niya. Jusko! Kung panaginip lang ang lahat ng ito, pakiusap pakigising na ako! Hindi na talaga ako natutuwa sa baklang multo na 'to!

"Hindi ka na maliligo. Male-late na ako!" sabi ko pagkatapos ay tuloy-tuloy ng lumabas ng unit niya.

Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa akin. Nakabusangot ang mukha niya habang naglalakad kami. Hindi ko na lamang siya pinansin.

Pagkadating namin sa Pink Fluff, biglang sinundot ni Blitz ang tagiliran ko dahilan para mapaigtad ako.

"Ano na naman bang problema mo?" pasimpleng tanong ko sa kanya dahil baka isipin ng mga nakakakita sa akin ay nababaliw na ako dahil nagsasalita ako mag-isa.

"Ditey ikaw nagtatrabaho?"

"Oo."

"Emergerd. Favorite ko yung mga cakes nyo rito eh! Madalas kaya akong magpa-order dito dati." Ngiting-ngiti niyang pahayag.

Napangiti naman ako dahil sa sinabi niya.

"Hulaan mo kung sino ang pinakamagaling nilang pastry chef dito?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Sino?"

"Well, kaharap mo lang naman siya." Sabi ko sabay flip ng buhok ko.

"Maniwala ako sa'yo." nang-iinsulto niyang sabi sabay pitik sa noo ko.

Binatukan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Arin, anong nangyayari sa'yo? Bakit mo hinahampas yung hangin?" tanong sa akin ni Ceena.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon