[12]

6.6K 348 67
                                    

(ARIN'S POV)

"Arin, baka pwedeng pakideliver naman nitong toffee crunch cake na pinapagawa ni Blitz." Pakisuyo sa akin ni Ma'am Sherine habang nakangiti sa akin at tila nagpapacute.

"P-Po?" nauutal ko namang tanong.

"Sige na please. Urgent kasi eh. Wala pa ang mga delivery boys natin. May mga dineliver pa. Promise babawi ako sa'yo! At tsaka malapit lang naman ang building ng kompanya nila sa pwesto natin."

Napapaypay ako sa sarili ko dahil sa sinabi ni Ma'am Sherine. Kung sa ibang bagay ako inutusan ni Ma'am Sherine, baka mabilis ko siyang nasunod kaso hindi. Hindi pa ako handang makita ulit si Blitz baka mamaya hindi na panginginig ang mangyari sa akin. Baka mamaya himatayin na ako sa harapan niya at madulas pa ako at sabihin sa kanya na ako ang girlfriend nya nung mga panahong pagala-gala ang kaluluwa nya.

"S-Si C-Ceena ho ba hindi pwede?"

"May ginagawa siya ngayon eh. Sige na. Kailangan na kailangan niya na daw kasi."

Napabuntong hininga na lang ako pagkatapos ay matamlay na tinanggap ang hawak-hawak na cake ni Ma'am Sherine.

"Thank you talaga, Arin! Maaasahan ka talaga. Hihihi." Ngiting-ngiting sabi ni Ma'am na tila ba nanalo siya sa lotto.

Nginitian ko na lang siya pagkatapos ay pumunta na ako sa garahe para sumakay sa sasakyan ng Pink Fluff.

Pagkadating ko sa kompanyang pagmamay-ari ng Winner Group, nalula ako dahil sobrang laki pala nito. Agad naman akong inentertain nung mga security guards ng sabihin kong magdedeliver ako ng cake para kay Blitz.

Inassist ako nung isang guard hanggang sa 24th floor kung saan matatagpuan ang opisina ni Blitz. Nadismaya ako ng hindi ako papasukin ng secretary niya sa mismong opisina niya. Hanggang labas lang ako at yung secretary na nya yung nagpasok ng cake sa loob.

"Akala ko ba ayaw mo siyang makita pero dismayado ka ngayon? Shunga mo gurl!" bulong ng isip ko sa sarili ko.

Pati ba naman isip ko hindi nakikisangayon sa akin? Tsk!

Hindi na rin ako nagtagal doon at dumiretso na sa elevator para sumakay. Papasara na ang elevator na kinaroroonan ko ng biglang may pumigil dito at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Blitz 'to na nakasuot ng suit habang busy'ng-busy sa kausap niya sa cellphone.

"Yeah. Kakatapos lang ng meeting namin and it goes well. Medyo kinabahan ako pero okay lang. Masasanay rin naman siguro ako sa mga ganitong uri ng meetings." Masayang sabi niya sa kausap niya.

Napangiti ako ng lihim. Masaya ako para sa kanya dahil natupad na niya ang pangarap niyang maging chairman ng Winner Group pero mas magiging masaya sana ako ngayon kung naaalala niya ako kaso malabong mangyari yun kasi ni hindi niya nga napapansin ang presence ko ngayon.

Napayuko na lang ako at pinipigil ang luha ko mula sa pagpatak at nilaro ko na lang ang mga daliri ko. Hindi pa man ako nakakatagal sa ganoong posisyon ng biglang umalog ang elevator dahilan para ma-out of balance ako pero agad akong nasalo ni Blitz dahilan para magkadikit ang mga katawan namin.

Dahan-dahan kong iniangat ang paningin ko at kitang-kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya. Ilusyon ko lang ba iyon o totoong nag-aalala siya sa akin?

"Okay ka lang miss?" tanong niya habang inaalalayan akong tumayo.

"O-Opo. S-sorry p-po." Putol-putol kong sabi dahil ang puso ko ay malapit ng manapak sa sobrang lakas ng kabog.

MARRIED TO A GAY GHOSTKde žijí příběhy. Začni objevovat