[21]

6.9K 330 79
                                    


(ARIN'S POV)

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa nakanguso kong kapatid. Matagal na ang tinutukoy na pool party ni Reese. Paanong nakabalik ako sa araw na ito? Panaginip ko lang ba ang lahat? Hindi ba talaga totoong nabaril si kuya? Hindi ba ako nakidnap? Ibig sabihin, hindi rin totoong hinalikan ako ni Blitz at bumalik na ang alaala niya?

"Kuya, sigurado ka ba sa mga sinasabi mo?" tanong ko ulit sa kanya.

"Bahala ka nga dyan. Bumaba ka na pagkatapos mong maghilamos. Kanina pa nakahanda ang almusal natin." Sabi niya pagkatapos ay nagdadabog na lumabas ng kwarto ko.

Muli akong napahiga sa kama ko at tumitig sa kisame. Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko alam ang mga nangyayari. Imposibleng panaginip lang ang lahat dahil parang totoo.

Napailing na lang ako pagkatapos ay bumangon na sa kama ko. Akmang papasok na ako sa CR nang may maaninag akong tao sa balkonahe ng kwarto ko. Binuksan ko ang pintong gawa sa salamin at bumuluga sa akin si Lolo Dy na prenteng nakaupo habang naka-cross legs at hawak-hawak ang gintong tungkod niya.

"L-Lolo D-Dy?"

Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

"The one and only!" sabi niya sabay taas ng dalawang kamay niya.

"Paano po kayo nakapasok dito?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Tumawa siya pagkatapos ay itinuro niya ang mata niyang nakatago sa eyepatch.

"Maraming kayang gawin ang mata kong ito. HAHAHAHAHA!"

Napailing na lang ako dahil sa inasal ni Lolo Dy. Sumenyas siya na umupo ako sa katapat niyang upuan na agad ko namang sinunod.

"Kagabi habang naglalakad ako, narinig ko ang mga nagrorondang sundo na may isang babae daw na mapalad na nakakuha ng blankong baraha."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Lolo Dy pero ipinagpatuloy ko pa rin ang pakikinig sa kanya.

"Ang blankong baraha para sa mga sundo ay isang sagradong bagay. Kung sino mang mortal ang makakuha nito, matutupad ang alinmang kahilingan niya. Kinutuban ako na baka ikaw ang sinasabi nila at syempre para makasigurado, naglakas loob akong tanungin ang pinuno nila. Hindi nga ako nagkamali. Ikaw ang tintukoy nila. Sabi ng sundo, muli kanilang binalik sa araw na ito para muling simulan ang araw na ito ng may bagong kwento. Pinapasabi rin niya na hindi na muling babalik ang memorya ni Blitz pero may pag-asa na kayong magkatuluyan. Kapag nagawa mong muling angkinin ang puso ni Blitz, iisa lang ang ibig sabihin nun. Kayo talaga ang para sa isa't isa."

Parang musika sa pandinig ko ang mga sinabi ni Lolo Dy. Hindi ko alam kung magtatatalon ako sa sobrang tuwa o magpapagulong-gulong. Sa kabila ng mga pinagdaanan ko, akalain mo nga namang suswertehin pa ako.

"ARIN! ANO WALA KANG BALAK KUMAIN?!" sigaw ni kuya mula sa pintuan ng kwarto ko.

Napangisi si Lolo Dy dahil sa ginawang pagsigaw ni kuya.

"Osya hija. Bumaba ka na. Baka umuusok na ang ilong ng kapatid mo."

Tumayo na ako at nagmano kay Lolo Dy.

"S-Sige po Lolo Dy. Maraming salamat po sa pagbabalita. Mag-ingat po kayo sa pag-uwi nyo." Ngiting-ngiti kong sabi.

"Sana nga ay muli mong mabawi ang puso ni Blitz. Andito lang ako at handang sumuporta sa lovestory ninyong dalawa."

"Pangako po Lolo Dy. Kami po ang magkakatuluyan sa kwentong 'to."

---

"Hello Arin!"

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon