[19]

6.7K 293 34
                                    

(ARIN'S POV)

Dalawang linggo na ang nakararaan simula ng malaman ko ang maaaring mangyari kapag bumalik ang alaala ni Blitz. Dalawang linggo ko na rin siyang iniiwasan. Kapag pumupunta siya sa bahay namin para dumalaw, tinataguan ko siya. Madalas na rin akong wala sa bahay para mas maiwasan ko pa si Blitz. Tinatanong ako ng kuya ko kung saan ako nagpupupunta. Hinahanap daw ako ni Blitz. Palagi ko na lang sinasabi na hindi ako interisado kay Blitz at wala akong pakielam sa kanya pero sa totoo lang pakiramdam ko milyon-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko kapag sinasabi ko ang mga katagang yun.

Wala akong ibang hinangad kundi ang muli akong maalala ng kaisa-isang lalaking minahal ko pero kung ang buhay naman niya ang kapalit nito, mas gugustuhin ko na lang na paulit-ulit na masaktan kesa makita siyang binabawian ng buhay.

Bumalik ang isip ko sa realidad nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ko. Agad ko 'tong kinuha at sinagot ang tawag ni Kuya Caden.

"Hello." Sabi ko sa masiglang tono para hindi niya mahalatang may pinagdadaanan ako ngayon.

"Nasaan ka na naman ba?" inis niyang tanong.

"Ahmmm. Secret!"

"Wag mo akong ma-secret secret dyan Arin! Sasakalin na talaga kita. Alas diyes na ng gabi nasa galaan ka pa rin. Aba! Hindi na yan gawain ng tamang babae!"

Napangiti na lang ako dahil sa inasal ni kuya. Kahit na mapait ang sitwasyon ko ngayon, kahit papaano ay nakakangiti pa rin ako dahil sa walang hiya kong kapatid.

"Opo. Uuwi na ako." Pang-aasar ko sa kanya.

"Aba'y dapat lang! Bilisan mo at gutom na ako. Kanina pa kita hinihintay para sabay tayong maghapunan." Sabi niya bago inend ang tawag.

"Wala talagang modo 'tong unggoy na 'to. Bigla-bigla akong pinapatayan ng tawag!" bulong ko sa sarili ko habang muling ibinabalik ang cellphone ko sa bulsa ko kaso hindi ko pa man 'to tuluyang naipapasok, may bigla nang humawak sa braso ko.

Nag-angat ako ng tingin para tingnan kung sino 'to at napakunot ako nang makitang lalaki ito na naka-face mask na itim at hindi lang siya nag-iisa dahil may apat pang lalaki sa likod niya. Bigla akong kinutuban dahil sa paraan ng pagtingin nila sa akin.

"S-Sino k-kayo? A-Anong k-kailangan---"

Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil mahigpit akong hinawakan nung lalaki at hinatak papatayo. Sumigaw ako dahil sa sobrang sakit at para na rin makaagaw ng atensyon ng mga tao pero parang wala namang nakarinig sa akin dahil wala ng katao-tao sa park na kinaroroonan ko.

Maya-maya ay naramdaman ko na lamang ang paglapat ng isang panyo sa ilong ko at nawalan na ako ng malay.

---

Nagising ako na nasa isa akong lumang warehouse at nakatali na ang mga paa at kamay ko sa upuang kinauupuan ko. May takip ding duct tape ang bibig ko. Di kalayuan sa akin ay may lalaking nakatalikod habang pinupunasan ang hawak niyang baril.

Bigla na namang kumabog ang dibdib ko dahil sa sobrang kaba. Sa buong buhay ko, dalawang beses na akong nakikidnap. Wala naman akong balat sa puwet pero bakit ako suki sa mga ganitong bagay? Malas na nga ako sa pag-ibig tapos suki pa ako sa ganitong kaganapan. Aba! Pang-telenobela na ata 'tong kwento ko!

Sinubukan kong pumadyak-padyak para maagaw ko ang atensyon nung lalaking nakatalikod at hindi nga ako nagkamali dahil humarap siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko ng makitang si Justin 'to. Nakangisi siya sa akin ng nakakaloko habang naglalakad papalapit sa akin.

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon