[5]

8.4K 358 107
                                    


(ARIN'S POV)

"Anong gagawin natin girl?" pabaklang tanong sa akin ni Blitz.

Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa sahig ng kwarto niya habang ang hourglass naman na ibinigay sa amin nung grim reaper ay nasa gitna naming dalawa. Nag-iisip kami kung paano namin sisimulan ang misyon namin pero halos magdadalawang oras na kami dito kaso wala pa rin kaming matinong maisip.

"Eh kung matulog na lang kayo tayo? Pagod na akes eh!" nangigisay niyang sabi sa akin with matching pagtirik pa ng mga mata.

Binato ko naman siya ng nilamukos na paper na ahwak ko dahil sa inasal niya.

"Wag ka ngang maharot! Para rin naman sa'yo 'to." Asik ko sa kanya.

"Parang wala naman kasing patutunguhan itong ginagawa natin." Sabi niya sabay pout.

"Kaya nga umayos ka na diyan para naman may maisip tayong magandang idea."

Huminga siya ng malalim pagkatapos ay inilagay niya ang hintuturo niya sa may baba at tila nag-isip.

"Alam ko na girl!"

"Ano?"

"Try mo rin kayang magpasagasa? Baka kasi pag nakita ko kung paano ka masagasaan, bigla kong maalala yung---"

Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil agad ko siyang sinipa sa tiyan.

"Araaaaay! Bayolente ka talagang bruha ka! Ano bang masama sa sinabi ko?"

"Baliw ka ba? Baka mauna pa akong mamatay sa'yo!"

Napanguso siya dahil sa sinabi ko pagkatapos ay muli na naman siyang sumeryoso at nag-isip.

Maya-maya ay bigla akong napapalakpak ng may maisip akong ideya.

"Anyare be?" tanong niya.

"May naisip na ako!"

"Ano?"

"Ano kaya kung pumunta tayo sa ospital kung saan ka naka-confine? Malay mo diba kapag nakita mo sa malapitan ang sarili mo, may maalala ka kahit papaano." Sabi ko habang kinukumpas-kumpas ko pa ang hintuturo ko.

Bigla siyang napangiti sa sinabi ko pagkatapos ay sabay kaming nag-apir.

"Ang witty mo talaga girl!"

---

"Thank you." Sabi ko sa nurse na nag-guide sa akin papunta sa kwarto kung nasaan si Blitz.

"You're welcome po. Kung may kailangan po kayo ma'am, pwede nyo pong pindutin ang buzzer." Nakangiting sabi nung nurse pagkatapos ay umalis na siya.

Huminga muna kami ng malalim ni Blitz bago kami tuluyang lumapit sa katawan niya. Pagkalapit namin sa katawan niya, halos takasan ako ng dugo. Kalunos-lunos kasi ang itsura niya. Para na siyang lantang gulay at ang daming aparatong nakasaksak sa katawan niya. Nakakabingi din ang mga tunog ng mga aparato na dinaig pa ang kuliglig. Nakakaawa siyang pagmasdan. Hindi mo aakalaing ang isang maharot na baklang multo ay may kalunos-lunos na itsura sa realidad.

Ilang segundo rin akong nanahimik sa kinatatayuan ko pero agad din itong nawala nang marinig ko ang humihikbing si Blitz.

Tiningnan ko siya at kitang-kita ko kung paano siya umiyak. Hinawakan ko ang likod niya at hinimas-himas ito.

"Okay lang yan. Magigising ka din----"

"Bakeeeeeeeeet? Girl, bakeeeeet? Bakit ang chaka ng fes ko diyan. Like duh! Hindi man lang nila nilagyan ng light makeup. Kahit very very light lang!"

MARRIED TO A GAY GHOSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon